10 Babala at Senyales ng Pagkakaroon ng Hormonal Imbalance

10 Babala at Senyales ng Pagkakaroon ng Hormonal Imbalance

Dati napag-usapan natin kung paano maiiwasan ang hormonal imbalance. Lalo na't ang hormonal imbalance ay ang pinaka-main reason kung bakit nagkakaroon ng cancer ang isang babae.

✍🏻 Related Article: 🙅🏽 9 Health Tips Para Maiwasan Ang Hormonal Imbalance 🙅🏽

Kaya para maiwasan, alamin natin ang mga senyales nito para habang maaga ay magawan na ng kaukulang aksyon kapag sa tingin mo ay nararamdaman mo na.

1. Madalas na pagsakit ng ulo.

Ang palaging pagsakit ng ulo ay maaring indikasyon ng mababang estrogen levels.

Ang estrogen ay ang hormone na nagko-kontrol sa lahat ng metabolic processes sa utak at sa spinal cord. Kaya kung meron kang imbalance, ito ang maaring rason ng pagkakaroon mo ng migraine o kaya ang madalas na pagiging bad mood.

2. Pagbabago sa dibdib ng babae.

Ang biglaang pagbaba ng estrogen levels ay nakakaapekto sa elasticity ng balat. Kaya ang dibdib ay maaring magkaroon ng pagbabago sa hugis at laki.

Ang mga pagbabago sa dibdib ng babae ay maari rin lumitaw dahil sa tinatawag na hormonal changes bago mag menopause.

3. Pagiging makakalimutin.

Ang pagiging makakalimutin ay maaring isang senyales ng hormonal imbalance dahil sa pagkakaroon ng mababang estrogen at cortisol levels.

Ang low cortisol levels ay nakakaapekto sa ating short-term memory habang ang mababang estrogen naman ay nagreresulta sa kawalan ng focus at malabong pag iisip o pagiging bagabag.

4. Biglaang pagbabago ng timbang.

Kung tumaba ka o pumayat ng walang rason, kailangan mo ng epa-check ang hormone levels mo.

Ang thyroid hormones ay nakakaapekto sa metabolism habang ang testosterone, estrogen at cortisol ay nakakaapekto sa pagkakaroon ng bilbil.

5. Hirap sa pagtulog o madalas na insomnia.

Ito ay maaring konektado sa pagkakaroon ng mababang level ng progesteron.

Ang progesteron ay isang natural relaxant. Kaya kung nakakaranas ka ng insomnia, ito siguro ay dahil sa pagkakaroon ng low progesteron level.

6. Biglaang pagkakaroon ng Acne.

Ang biglaang pagkakaroon ng acne ay madalas na resulta rin ng biglaang pagbabago ng hormones sa iyong katawan.

Dahil ang mababang level ng hormone na androgen ay nagreresulta sa acne.

7. Sobrang pagpapawis.

Ang sobrang pagpapawis o kaya lagnat ay ang pinaka-common na senyales ng pagkakaroon ng hormonal imbalance.

Ang ganitong mga simptomas ay madalas pagkatapos mag-menopause dahil ang hormone levels ng babae ay unstable.

8. Laging nakakaramdam ng sobrang pagod.

Kapag pakiramdam mo palagi kang pagod o pagkakaroon mo ng chronic fatigue, ito ay dahil may problema sa production ng thyroid hormones.

9. Problema sa panunaw.

Kapag nagkakaroon ka ng digestion issues o problema sa panunaw, ito ay maaring dahil sa pagkakaroon mo naman ng mataas na level ng estrogen sa katawan.

Dahil ang hormone na ito ay nakakaimpluwensiya sa mga tinatawag na "microflora" sa iyong bituka o mga bacteria.

10. Hair Loss.

Ang sobrang pagkalagas ng buhok ay maaring dahil sa thyroid hormones, insulin o kaya testosterone.

Keep this hormones in check always.

Ngayon, girls! Assess yourself.

Mga ilan kaya sa nabanggit ko dito ang nararanasan mo ngayon?

Don't forget to share this article para kay beshie!

Back to blog

44 comments

Masakit po ang gilid ng pareho kung dde at kumikirot minsan masakit dn po yung gitna na buto sa aking pagitan ng dalawa kung dibdib 11days napo ako delay minsan din po ng hihina ako at nahihilo minsan pero d ako nag susuka anu po kaya dahilan ..

Rona

Lahat ng nabasa ko dito . Lalo na yung sobrang pawis at mejo malaki ang tiyan . Hindi naman po buntis . Madalas ang pagkapagod sa konting pag kilos,, Possible bang mag karoon nyan . Isa rin po kasi akong takot na mag pacheck up. 😌

Robie Delrio
Halla.. Mga 8 po jan ang nararandaman ko nung nagpa check up ako kase Hormonal imbalance daw po kung bakit pahinto hinto at dumadami ang pagreregla ko…..😔🙁
Rosebelle Macadangdang

Goodday! Na eexperience ko sa ngayon is yung parang feeling na Pagod,
Hindi ko malaman kung may Hormones imbalance ako kasi
Nangangamba ako na baka kasi Buntis ako.
Last month may nangyari sami ng boyfriend ko. Dapat before mag April 20, 2020 meron na ako pero April 26 na ngayon wala parin.
Pero kasi Acidic ako
Nalilito ako kung ano nga ba, sinisikmura ako na parang nasusuka pero hnggang dun lang hindi naman ako nahihilo, hindi din naman lumalabas yung suka ko. Bsta pakiramdam ko busog na gutom, madaling mapagod.
Mabilis mabadtrip kunting bagay lang.
Ano po kaya yun?

Zailana Montala

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.