Dati napag-usapan natin kung paano maiiwasan ang hormonal imbalance. Lalo na't ang hormonal imbalance ay ang pinaka-main reason kung bakit nagkakaroon ng cancer ang isang babae.
✍🏻 Related Article: 🙅🏽 9 Health Tips Para Maiwasan Ang Hormonal Imbalance 🙅🏽
Kaya para maiwasan, alamin natin ang mga senyales nito para habang maaga ay magawan na ng kaukulang aksyon kapag sa tingin mo ay nararamdaman mo na.
1. Madalas na pagsakit ng ulo.
Ang palaging pagsakit ng ulo ay maaring indikasyon ng mababang estrogen levels.
Ang estrogen ay ang hormone na nagko-kontrol sa lahat ng metabolic processes sa utak at sa spinal cord. Kaya kung meron kang imbalance, ito ang maaring rason ng pagkakaroon mo ng migraine o kaya ang madalas na pagiging bad mood.
2. Pagbabago sa dibdib ng babae.
Ang biglaang pagbaba ng estrogen levels ay nakakaapekto sa elasticity ng balat. Kaya ang dibdib ay maaring magkaroon ng pagbabago sa hugis at laki.
Ang mga pagbabago sa dibdib ng babae ay maari rin lumitaw dahil sa tinatawag na hormonal changes bago mag menopause.
3. Pagiging makakalimutin.
Ang pagiging makakalimutin ay maaring isang senyales ng hormonal imbalance dahil sa pagkakaroon ng mababang estrogen at cortisol levels.
Ang low cortisol levels ay nakakaapekto sa ating short-term memory habang ang mababang estrogen naman ay nagreresulta sa kawalan ng focus at malabong pag iisip o pagiging bagabag.
4. Biglaang pagbabago ng timbang.
Kung tumaba ka o pumayat ng walang rason, kailangan mo ng epa-check ang hormone levels mo.
Ang thyroid hormones ay nakakaapekto sa metabolism habang ang testosterone, estrogen at cortisol ay nakakaapekto sa pagkakaroon ng bilbil.
5. Hirap sa pagtulog o madalas na insomnia.
Ito ay maaring konektado sa pagkakaroon ng mababang level ng progesteron.
Ang progesteron ay isang natural relaxant. Kaya kung nakakaranas ka ng insomnia, ito siguro ay dahil sa pagkakaroon ng low progesteron level.
6. Biglaang pagkakaroon ng Acne.
Ang biglaang pagkakaroon ng acne ay madalas na resulta rin ng biglaang pagbabago ng hormones sa iyong katawan.
Dahil ang mababang level ng hormone na androgen ay nagreresulta sa acne.
7. Sobrang pagpapawis.
Ang sobrang pagpapawis o kaya lagnat ay ang pinaka-common na senyales ng pagkakaroon ng hormonal imbalance.
Ang ganitong mga simptomas ay madalas pagkatapos mag-menopause dahil ang hormone levels ng babae ay unstable.
8. Laging nakakaramdam ng sobrang pagod.
Kapag pakiramdam mo palagi kang pagod o pagkakaroon mo ng chronic fatigue, ito ay dahil may problema sa production ng thyroid hormones.
9. Problema sa panunaw.
Kapag nagkakaroon ka ng digestion issues o problema sa panunaw, ito ay maaring dahil sa pagkakaroon mo naman ng mataas na level ng estrogen sa katawan.
Dahil ang hormone na ito ay nakakaimpluwensiya sa mga tinatawag na "microflora" sa iyong bituka o mga bacteria.
10. Hair Loss.
Ang sobrang pagkalagas ng buhok ay maaring dahil sa thyroid hormones, insulin o kaya testosterone.
Keep this hormones in check always.
Ngayon, girls! Assess yourself.
Mga ilan kaya sa nabanggit ko dito ang nararanasan mo ngayon?
Don't forget to share this article para kay beshie!
44 comments
No.1,3,7,8,9,10..yan ang aking nararanasan..pero sinabi na ng doctor na hormonal imbalance ang problem sa katawan ko… Ano ba ang mga tamang pagkain of tamang gamot neto? Salamat po sa sagot..
Tatlo po jan nararanasan ko.madalas n pag sakit ng ulo po kht nakasalim na po ako sumasakit pdin sia..tpos yung pg dami ng acne ko every day my bago kong mga pimples.. and yung pg lalagas po ng buhok ko..grbe po sia kung minsan pg po maliligo ako ng shampoo plng po ako grbe n yung nalalagas den lalo npo pg sinuklay ko..ano po b ibig sbhn nunh my hormonal imbalance po kaya ako..d po kc ako ng papacheck up kc takot po akong malaman kung ano po b tlga salamat po s sagot
Tatlo po jan nararanasan ko.madalas n pag sakit ng ulo po kht nakasalim na po ako sumasakit pdin sia..tpos yung pg dami ng acne ko every day my bago kong mga pimples.. and yung pg lalagas po ng buhok ko..grbe po sia kung minsan pg po maliligo ako ng shampoo plng po ako grbe n yung nalalagas den lalo npo pg sinuklay ko..ano po b ibig sbhn nunh my hormonal imbalance po kaya ako..d po kc ako ng papacheck up kc takot po akong malaman kung ano po b tlga salamat po s sagot
ako ay hindi dinadatnan halos 6-3 buwan 2 months bumalik yung dalaw ko nong june at july after non na wala na namn. maskit din yung gitna ng dibdib ko at nalalas buhok ko kahit mag suklay o maliligo .😥🙏🙏🙏🙏
lahat po ay nararamdaman ko..po kaya po nagpa check up na po aku