10 Babala at Senyales ng Pagkakaroon ng Hormonal Imbalance

10 Babala at Senyales ng Pagkakaroon ng Hormonal Imbalance

Dati napag-usapan natin kung paano maiiwasan ang hormonal imbalance. Lalo na't ang hormonal imbalance ay ang pinaka-main reason kung bakit nagkakaroon ng cancer ang isang babae.

✍🏻 Related Article: 🙅🏽 9 Health Tips Para Maiwasan Ang Hormonal Imbalance 🙅🏽

Kaya para maiwasan, alamin natin ang mga senyales nito para habang maaga ay magawan na ng kaukulang aksyon kapag sa tingin mo ay nararamdaman mo na.

1. Madalas na pagsakit ng ulo.

Ang palaging pagsakit ng ulo ay maaring indikasyon ng mababang estrogen levels.

Ang estrogen ay ang hormone na nagko-kontrol sa lahat ng metabolic processes sa utak at sa spinal cord. Kaya kung meron kang imbalance, ito ang maaring rason ng pagkakaroon mo ng migraine o kaya ang madalas na pagiging bad mood.

2. Pagbabago sa dibdib ng babae.

Ang biglaang pagbaba ng estrogen levels ay nakakaapekto sa elasticity ng balat. Kaya ang dibdib ay maaring magkaroon ng pagbabago sa hugis at laki.

Ang mga pagbabago sa dibdib ng babae ay maari rin lumitaw dahil sa tinatawag na hormonal changes bago mag menopause.

3. Pagiging makakalimutin.

Ang pagiging makakalimutin ay maaring isang senyales ng hormonal imbalance dahil sa pagkakaroon ng mababang estrogen at cortisol levels.

Ang low cortisol levels ay nakakaapekto sa ating short-term memory habang ang mababang estrogen naman ay nagreresulta sa kawalan ng focus at malabong pag iisip o pagiging bagabag.

4. Biglaang pagbabago ng timbang.

Kung tumaba ka o pumayat ng walang rason, kailangan mo ng epa-check ang hormone levels mo.

Ang thyroid hormones ay nakakaapekto sa metabolism habang ang testosterone, estrogen at cortisol ay nakakaapekto sa pagkakaroon ng bilbil.

5. Hirap sa pagtulog o madalas na insomnia.

Ito ay maaring konektado sa pagkakaroon ng mababang level ng progesteron.

Ang progesteron ay isang natural relaxant. Kaya kung nakakaranas ka ng insomnia, ito siguro ay dahil sa pagkakaroon ng low progesteron level.

6. Biglaang pagkakaroon ng Acne.

Ang biglaang pagkakaroon ng acne ay madalas na resulta rin ng biglaang pagbabago ng hormones sa iyong katawan.

Dahil ang mababang level ng hormone na androgen ay nagreresulta sa acne.

7. Sobrang pagpapawis.

Ang sobrang pagpapawis o kaya lagnat ay ang pinaka-common na senyales ng pagkakaroon ng hormonal imbalance.

Ang ganitong mga simptomas ay madalas pagkatapos mag-menopause dahil ang hormone levels ng babae ay unstable.

8. Laging nakakaramdam ng sobrang pagod.

Kapag pakiramdam mo palagi kang pagod o pagkakaroon mo ng chronic fatigue, ito ay dahil may problema sa production ng thyroid hormones.

9. Problema sa panunaw.

Kapag nagkakaroon ka ng digestion issues o problema sa panunaw, ito ay maaring dahil sa pagkakaroon mo naman ng mataas na level ng estrogen sa katawan.

Dahil ang hormone na ito ay nakakaimpluwensiya sa mga tinatawag na "microflora" sa iyong bituka o mga bacteria.

10. Hair Loss.

Ang sobrang pagkalagas ng buhok ay maaring dahil sa thyroid hormones, insulin o kaya testosterone.

Keep this hormones in check always.

Ngayon, girls! Assess yourself.

Mga ilan kaya sa nabanggit ko dito ang nararanasan mo ngayon?

Don't forget to share this article para kay beshie!

Back to blog

44 comments

Lahat po nararamdaman ko and im only 18 yrs old palang po

Gela

ano po ang dapat gawin para maiwasan ang Hormonal Imbalance, 6/10 po meron sakin, Tapos January dipo ko dinatnan 15 days nakong Meron ano na po ito?

Jzzl

Hello Po
26 yrs old palang Po
Pero nakararanas na Po Ako into
Sa num.7 lang Po Yung na iiba
Wala Po Ako nyan

Mary Rose Sustado

Ang naranasan ko pananakit ng dd makirot sya at Pati hanggang likod ko at mga Braso ko masakit..at minsan ang mga joined ko makirot po..kasama po ba to sa hormonal balance ko?

Janet Arellano

bakit po Kaya paiba iba date Ng regla ko, ang pag nagregla po ako sa isang buwan sa susunod hindi na po Bali po baktaw baktaw po regla ko nagpachek up po ako sa doctor binigyan ako ng gamot na progesterone at vitamin

Joanna B

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.