sintomas ng diabetes

Sintomas Ng Diabetes at Gamot sa Mataas Na Blood Sugar

Madalas kapag pinag-usapan ang tungkol sa mataas na blood sugar, ang unang pumapasok agad sa isip natin ay diabetes. Pero bago ka pa ma-diagnose at magkaroon ng diabetes, bibigyan ka ng katawan mo ng mga sintomas ng diabetes tulad ng pagtaas ng blood sugar para habang maaga pa ay mabantayan mo na ang magkaroon nito.

At dahil karamihan sa'tin ngayon ay mahilig sa mga matatamis, processed foods at high carb diets, hindi rin maipagkakaila ang pagtaas ng bilang ng mga pilipinong may mataas na blood sugar level.

Kaya para maiwasan natin ang pagtaas ng blood sugar na maaring matuloy sa pagkakaroon ng diabetes, kailangan alam natin ang mga sintomas na ito para ma-maintain ang ating well-being.

Barley for Managing Diabetes


 

1. Sobra at madalas na pag-ihi sa gabi

Kapag uminom ka ng maraming tubig bago matulog, malaki ang chance na magigising ka tuwing madaling araw para umihi. Pero kung mataas ang blood sugar mo, maari ka magkaroon ng UTI na siya namang dahilan sa pag-ihi ng sobra-sobra.

 

2. Lumalabong paningin

Wag ka muna mag-react agad at bumili ng eyeglasses kung nakakaranas ka ng temporaryong panlalabo ng mata. Dahil malaki ang chance na mataas lang ang blood sugar level mo kaya namamaga ang lente ng iyong mga mata.

 

3. Madaling mapagod at di makapag-concentrate

Kapag ang katawan mo ay kulang sa insulin, mahihirapan itong tanggalin ang glucose sa daanan ng dugo papunta sa cells. Ito ang dahilan kaya may nararamdaman kang hindi tama sa katawan mo tulad ng pagiging mabilis mapagod at hindi  makapag-focus. Pwede ka rin maging dehydrated dahil ang pagkakaroon ng mataas na sugar ay ang dahilan ng frequent urination para e-release ang sobrang glucose sa katawan.

 

4. Panunuyo ng bibig o dry mouth

At dahil sa maraming glucose sa dugo at sa laway mo dahil rin sa mataas na blood sugar level, makakaranas ka ng panunuyo ng iyong bibig.

 

5. Pagiging imbalido

Para sa mga lalaki, kapag matagal mong pinabayaan ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar level, makakaapekto ito sa nerves at blood vessels mo na siyang dahilan para hirap ka ng patayuin ang  pagkalalaki mo.

 

6. Pabalik-balik na infections

May iilang infections na kailangan mong bantayan lagi tulad ng dysfunction ng iyong thyroid, adrenal at pituitary glands. Kailangan mo rin bantayan ang mga sakit na maaring dumapo sa iyong pancreas o kaya yung sobrang dami ng glucose sa dugo.

 

7. Mabagal na paghilom ng mga sugat

Kapag sa tingin mo na kahit maliit na sugat at galos ay matagal maghilom, maaring ang dahilan nito ay ang mataas na blood sugar level. Nakakaapekto ito sa mga nerves at nagpapabagal rin sa daloy ng dugo kaya mahihirapan din ang dugo na mag-circulate sa parte na may sugat para magsagawa ng skin repair.

 

8. Stomach problems

Kapag mataas ang blood sugar mo, mahihirapan ka mag-dispose ng dumi. Ito ay maaring magresulta sa bloating, distention, abdominal pain, nausea at pagsusuka.

 

9. Lagi at sobrang pagkapagod

Kapag mababa ang thyroid level mo, malaki ang chance na makakaranas ka ng sobrang pagod, antok at pagiging depressed. At para labanan ang mga infections, kailangan mo ng energy kung saan nagreresulta naman sa sobrang pagkahapo at mataas na blood sugar level.

 

10. Pagkauhaw

Kapag mataas ang blood sugar mo, ang kidney mo ay mapu-pwersang doblehin ang trabaho para salain at e-absorb ang sobrang sugar. At para magawa yun, kailangan ng liquid para maipalabas ang sobrang sugar sa katawan mo sa pamamagitan ng pag-ihi.

 

11. Nanunuyo at nangangating balat

Kapag mahina ang blood circulation sa buong katawan mo, makakaranas ka ng pangangati ng balat. Lalo na sa may bandang singit.

 

12. Laging nakakaramdam ng gutom

Ikaw siguro yung tao na malakas kumain, pero ok lang yun. Pero sa mga taong hindi naman kalakasan ang pagkain, maaring kulang ka sa hormone na tinatawag na incretin. Ang incretin ang nagpapababa ng daloy ng sugar mula sa atay pagkatapos mo kumain. Kapag kulang ang incretin mo sa katawan, mabilis ka makakaramdam uli ng gutom na nagpapataas naman ng blood sugar level mo.

 

13. Paglaki ng tiyan at pagbigat ng timbang

Ito ang pinaka-common na sign na mataas ang blood sugar level mo. Dahil ang mga pagkain na kinakain mo ay di napupunta sa mga cells at  maging energy na magpapalakas naman  ng cells, nakakaramdam ka uli ng gutom.

 

14. Nerve problems

Simple lang, kung mataas ang blood sugar level mo, masisira ang blood vessels mo na nagdadala naman ng oxygen at nutrients sa mga nerves na nagreresulta naman sa pagkakaroon ng nerve problems.

 

15. Pag-iiba sa kulay ng balat

Kapag napapansin mo ang pagbabago sa complexion ng iyong balat at may kung anu-anong tumutubo mula rito, senyales ito na mataas ang blood sugar level mo. Minsan maari ka rin makaranas sa pagkapal ng balat sa may bandang leeg at pangingitim nito. Ganun din sa kamay.

 

16. Pangingilig at pamamanhid

Ito ay may kinalaman sa pagkasira ng iyong mga ugat o nerves. Kapag nakakaranas ka nito sa ilang parte ng katawan mo, maaring mataas ang blood sugar level mo. Ang tawag sa nerve damage na ito ay neuropathy.

Yan ang ilang mga senyales na maari mong tandaan para malaman mo ang posibilidad ng pagkakaroon ng mataas na blood sugar level. Para habang mas maaga pa, maari mo pang agapan at hindi na lumala pa sa pagkakaroon ng diabetes na maari naman magresulta sa pagputol sa parte ng katawan kung saan nagsimula ang pagkalat nito.

Ang diabetes ay maari rin magresulta sa kamatayan. Kapag nakakaranas ka ng ilan sa mga sintomas na nabanggit, maiging magpakonsulta agad sa doktor o espesyalista.

At para maiwasan ang diabetes at pagtaas ng blood sugar, importanteng maintindihan mo rin na ang high carbohydrate diet o pagkain ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates ay isang napakalaking factor sa pagkakaroon nito.

Click here: BARLEY FOR DIABETES

Related Article: 
Mga pagkaing hindi mo inaakala na nakakasama pala at maaring maging dahilan ng diabetes. Click Here.


Kapag dini-deprive mo ang sarili mo sa pagkain ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates o high carb diet, kunti lang ang sugar na papasok sa sistema mo at ipa-process ng insulin. 

Ang sugar at fats ang main source of energy ng ating katawan. Kapag ang mga kinakain mo ay mayaman sa carbohydrates, nako-convert ito o nagiging sugar na dahilan ng pagtaas ng insulin. Ang insulin kasi nagpa-process sa sugar at nagdi-distribute nito sa buong katawan para maging energy.

Ang pagtaas ng insulin naman ang nagiging dahilan kaya ang fats ay naiipon lang sa katawan at ang pangunahing sanhi ng pagtaba.

Ngayon kung sa tingin mo ay mataas ang blood sugar mo, magpatingin ka na agad sa doktor para makagawa ng nararapat na aksyon para dito. Ilan din sa mga maari mong gawin ay ang mga natural na paraan para mapababa ang iyong blood sugar.

14 Natural Na Paraan Para Bumaba Ang Blood Sugar At Iwasan Ang Mga Sintomas Ng Diabetes

 

Ngayon kung nararamdaman at alam mo ng tumataas ang blood sugar mo, pag-uusapan naman natin kung anu-ano ang mga maari mong gawin para mapababa ito.

1. Regular na ehersisyo

Ang regular na pag e-exercise ay nakakatulong para sa pagpapababa ng timbang at palakasin ang insulin sensitivity kung saan mas nagagamit ng mga cells sa katawan ang glucose sa dugo.

Ang ilang exercise na maari mong gawin ay weight lifting, dancing, hiking, running, biking, swimming at brisk walking ay mainam rin. Ang combination ng resistance training at aerobic exercise ay napaka effective rin.

2. Kontrol sa pagkain ng carb

Ang carbs ay nako-convert sa katawan mo at nagiging sugar o glucose. PIna-process naman ito ng insulin at sinasabayan ng pagtaas nito para maging energy ng buong katawan. 

Kaya kung mas marami sa nakasanayan ang nako-consume mo na carbs, mahihirapan ang insulin na magproseso ng lahat ng sugar o glucose kaya tumataas ang blood sugar level.

Sabi ng American Diabetes Association(ADA), makokontrol mo ang carb intake mo sa pamamagitan ng pagbabantay sa mga kinakain mo kung mayaman ba ito sa carb o hindi. Pwede ka gumawa ng plano at listahan ng mga pagkaing mababa ang carbs at mag-focus doon.

Maraming pag-aaral din ang nagsasabi na hindi lang napapababa ng low-carb diet ang blood sugar kundi tumutulong rin itong iwasan ang pagtaas.

Ang halimbawa ng low carb diet na maari mong gawin ay sa pamamagitan ng Keto Diet. Ito ay very applicable kung gusto mo ng long term solution sa pagpapababa ng blood sugar level mo.

Kung gusto mo matutunan ang tungkol sa Keto Diet, click here.

3. Dagdagan ang Fiber sa katawan

Ang fiber ay nakakapagpababa ng carb digestion at sugar absorption. Dahil dito, nare-regulate niya ang pagtaas ng blood sugar level sa katawan.

May dalawang uri ng fiber na mahalaga sa ating katawan, ang soluble at insoluble. Pero ang soluble fiber ang nakakatulong para mag-regulate ng blood sugar level.

Kapag nagkaroon ka ng high fiber diet, maiiwasan mo ang magkaroon ng Type 2 Diabetes dahil kinokontrol nito ang blood sugar at unti-unting pinapababa.

Ilan sa halimbawa ng mga pagkaing mayaman as fiber ay mga prutas, gulay, legumes at whole grains.

4. Uminom ng HINDI bababa sa 8 basong tubig araw-araw

Ang tamang bilang ng tubig sa katawan ay nagpapanatili sa blood sugar sa kanyang healthy limits. Maliban sa pag-iwas sa dehydration, tintutulungan nito ang kidney na palabasin ang sobrang sugar sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi.

Sa isang pag-aaral na naisagawa, napag-alaman na ang taong umiinom ng sapat na dami ng tubig ay may mababang tsansa na magkaroon ng mataas na blood sugar level. 

Tandaan na ang tubig lang at ilang non-caloric drinks ang mainam inumin. Ang mga soft drinks at iba pang inumin na ginagamitan ng sugar para pampatamis ay nakakapagpataas ng glucose sa dugo, nakakadagdag ng timbang at mas mataas na chance na magkaroon ng diabetes.

Ang isang diabetic ay maaring gumamit ng stevia bilang natural na pampatamis sa mga inumin kapalit ng asukal at mga artificial sweeteners.

5. Pagkakaroon ng Portion Control

Nakakatulong ang portion control para regulahin ang calorie intake na maaring maging dahilan sa pagbaba ng timbang. Kapag kontrolado mo na ang timbang mo, mapapanatili mo ang blood sugar sa healthy limits nito kaya maiiwasan mo rin ang pagkakaroon ng type 2 diabetes.

Ang pagbabantay sa dami at laman ng mga kinakain mo ay nakakatulong para mabawasan ang high calorie intake at posibleng pagtaas ng blood sugar level.

Ilan sa maari mong gawin para bantayan ang pagkain mo:

  • Alamin at timbangin ang maari mong kainin
  • Gumamit ng mas maliit na plato sa pagkain
  • Iwasan ang mga may "eat-all-you-can"
  • Sa mga pagkaing binibili, tingnan ang food labels at serving sizes
  • Magkaroon ng listahan ng mga pagkaing maaring kainin ng maramihan, kailangan bawasan at lalo na ang mga pagkaing kailangan iwasan.

 

6. Iwasan ang mga pagkaing may mataas na Glycemic Index

Ang glycemic index ay ginawa para tumingin sa posibleng epekto sa katawan ng blood sugar level na meron sa anumang pagkain na mayaman sa carbs. 

Ang pagkain ng mga pagkaing may mababang glycemic index ay nakakapagpababa sa blood sugar level ng mga taong may Type 1 at Type 2 Diabetes.

Ilan sa mga pagkaing may low glycemic value ay ang seafoods, karne, itlog, oats, barley, beans, lentils, legumes, kamote, mais, yams, kadalasan ng mga prutas at less starchy vegetables o gulay.


7. Pagkontrol sa Stress Levels

Ang stress ay nakakaapekto sa blood sugar level dahil sa hormones na glucagon at cortisol na nilalabas ng katawan mo kapag stressed ka. Ang mga hormones na ito ay may direktang epekto sa pagtaas ng blood sugar level.

Sa isang pag-aaral, ang exercise, relaxation at meditation ay malaki rin umano ang tulong para bawasan ang stress at mapababa ang blood sugar level.

Ang halimbawa ng mga exercise at relaxation methods tulad ng yoga ay maari mong gawin dahil itinatama nito ang insulin secretion problems ng mga taong may chronic diabetes.

8. Pag-monitor sa blood sugar level

Dahil kapag nababantayan mo, maiiwasan mo.

Halimbawa, malalaman mo kung kailangan mo magbawas ng mga kinakain. Malalaman mo rin kung paano mag-react ang katawan mo sa ilang pagkain.

9. Sapat na tulog

Ang kakulangan sa tulog ay nakakaapekto sa blood sugar level at insulin sensitivity. Kapag madalas kang kulang sa tulog, madalas ka rin gutomin na siya namang maaring dahilan ng walang kontrol na pagkain na pwedeng magresulta sa pagdagdag ng timbang.

Ang kakulangan ng sapat na tulog rin ay nagreresulta sa pagbaba ng growth hormones sa katawan at pagtaas ng cortisol levels kung saan nakakaapekto rin sa pagtaas ng blood sugar level.

10. Pagkain ng mga pagkaing mayaman sa chromium at magnesium

Ang mataas na blood sugar level ay may kinalaman din sa pagkakaroon ng micronutrient deficiencies tulad ng kakulangan sa minerals na chromium at magnesium.

Ang chromium ay mahalaga sa metabolismo ng katawan at tumutulong sa pagpababa ng blood sugar level. Ilan sa mga pagkaing mayaman sa chromium ay egg yolk, whole-grain, high-bran cereals, kape, nuts, green beans, broccoli at karne.

Sa kabilang banda, ang magnesium ay nakakatulong rin sa blood sugar levels para makaiwas sa pagkakaroon ng diabetes. Sa isang pag-aaral, ang mga taong malakas kumain ng mga pagkaing mayaman sa magnesium ay may 47% less chance na magkaroon ng diabetes.

Ang mga pagkaing mayaman sa magnesium ay kinabibilangan ng dark leafy greens, whole grains, isda, dark chocolate, saging, avocado at beans.

11. Subukan ang Apple Cider Vinegar

Ito ay nakakatulong para pabagalin ang pagtaas ng blood sugar level. Sa isang pag-aaral, ang apple cider vinegar ay may direktang impluwensiya sa pag-improve ng insulin sensitivity ng katawan.

12. Gumamit ng cinnamon

Ang cinnamon ay nakakatulong sa pagpapalakas ng insulin sensitivity sa pamamagitan ng pagpapababa ng insulin resistance on the cellular level. Pinapababa rin nito ang blood sugar level ng 29%.

13. Pababain ang timbang

Ang pagpapanatili sa tamang timbang ng katawan ay nakakatulong para mapanatili rin ang tamang blood sugar level at maiwasan ang magkaroon ng diabetes.

Isa sa maaring gawin ay ang subukan ang Keto Diet na isang uri ng low carb diet kung saan sadyang binabawasan ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa carbs at pag-focus lang mga pagkaing mayaman sa healthy fats at protein. 

14. Uminom ng supplement

Ang patuloy na pag-inom ng mga supplements na nakakatulong sa pagpapababa ng blood sugar ay malaking bagay rin para matiyak na ang blood sugar level ay mapanatili sa normal na bilang. 

 

Low-Carb Diet Para Mapababa Ang Blood Sugar At Iba Pang Sintomas Ng Diabetes

Marami ng pag-aaral ang isinigawa dati na puma-pabor sa low-carb diet para gamutin ang diabetes.

Sa katunayan, nung nadiskubre ang insulin noong 1921- ang low-carb diet ay siya ng pangunahing paraan para gamotin ang diabetes at isang napaka-epektibong paraan kung kayang sundan ng pasyente.

Sa isang pag-aaral, isinailalim ang mga may type 2 diabetes sa low carb diet sa loob ng anim na buwan at napag-alam nila na makokontrol ng mga ito ang blood sugar level nila ng 3 taon kapag ipinagpatuloy nila ang dyeta.

Bawal ba talaga ang carbs sa mga may diabetes? 

Not totally.

Sa mga pag-aaral, napag-alaman na ang 20 grams carb maximum intake lang araw-araw ay nagbibigay ng improvement sa blood sugar level at pagpapababa ng timbang.

Si Dr. Richard K. Bernstein na may type 1 Diabetes at kumakain lang ng pagkaing may carbs na hindi hihigit sa 30 grams per day ay nakakakita ng positibong resulta sa pagkontrol sa timbang ng mga pasyente niyang sumunod rin sa dyeta niya.

Pero sabi naman ng ibang researchers na ang moderate carb consumption tulad ng 70-90 grams o 20% calories mula sa carbs ay mainam at effective rin.

Anong uri ng carbs ang nakakapag-pataas ng blood sugar?

Ang carbs na nakukuha natin mula sa mga kinakain nating pananim ay kombinasyon ng starch, fiber at sugar. Pero ang starch at sugar lang ang nakakapagpataas ng blood glucose.

Ang fiber mapa-soluble at insoluble ay hindi nakakapagpataas ng blood sugar level. 

Ang mga halimbawa ng sugar alcohols tulad ng maltitol, xylitol, erythritol at sorbitol ay ginagawang pampatamis sa ilang tinatawag na "sugar-free" products. Ilan sa kanila gaya ng maltitol ay nakakapagpataas sa blood sugar level ng mga taong may diabetes.

Mga Pagkain na Maaring Kainin at Bawal Kainin

Mas maigi na kumain lang ng low-carb foods at high quality foods. Napakaimportante rin na bigyang pansin ang gutom at kabusugan ano man ang iyong kinakain.

Mga maaring kainin;

Pwede ka kumain ng mga low carb na pagkain at magpakabusog para magkaroon ng sapat na dami ng protein na kailangan ng katawan.

Tulad ng,

  • Karne, manok at seafood
  • Itlog
  • Cheese
  • Non-starchy veggies (Yung wala sa lista sa ibaba)
  • Avocado
  • Olives
  • Olive oil, virgin coconut oil, butter, cream, sour cream at cream cheese.


Mga pagkaing kailangang limitahan;

  • Berries: 1 cup o mas mababa
  • Plain, Greek yogurt: 1 cup o mababa
  • Cottage cheese: 1/2 cup o mababa
  • Nuts at mani: 1–2 oz or 30–60 grams.
  • Flaxseeds o Chia seeds: 2 kutsara
  • Dark Chocolates (kailangan 85% cocoa): 30 grams o mababa
  • Winter squash (butternut, acorn, pumpkin, spaghetti at hubbard): 1 cup o mas mababa
  • Liquor: 1.5 oz or 50 grams.
  • Dry red o white wine: 4 oz o 120 grams.

Mga pagkaing kailangan iwasan ng tuluyan

  • Bread, pasta, cereal, mais at iba pang grains gaya ng kanin
  • Starchy veggies tulad ng patatas, kamote, yams at taro.
  • Legumes, gaya ng peas, lentils at mga beans (maliban sa green beans at snow peas).
  • Gatas
  • Prutas maliban sa berries.
  • Juice, soft drinks, punch, sweetened tea, etc.
  • Beer.
  • Desserts, baked goods, candy, ice cream, etc.

Ang low carb diet ay effective laban sa diabetes. Sa mga pag-aaral, epektibo itong gawin para madaling makontrol ang type1 at type 2 diabetes. Ini-improve kasi nito ang blood sugar level, pinapababa ang pangangailangan sa gamot at bawasan ang tsansa ng anumang maaring komplikasyon tulad ng cardiovascular diseases at kidney diseases.

Pero bago ang lahat, kailangan mo muna magpakonsulta sa doktor bago mo sundan ang mga nakasaad dito para magkaroon ka ng professional guidance.

Kung may tanong ka pa, mag-comment ka lang sa ibaba at pipilitin  naming sagutin ka agad.

Back to blog

128 comments

Salamat sa lahat Po at sundin ko Po yong mga sinabi nyo po 🙏

Del vidad Sintos

Doc ako Po ay madalas na lulula at parang idinuduyan at palaging tutumba ano po ba magandang gwin dto para mawala ito?

Alvin

I’m 37 yrs old,sumakit ang ulo ko s kanang bahagi,simptomas b n mataas ang sugar?

elmie gay lumpinas

Ano po vitamins supplement ang pede sa my mataas n sugar level

Ailene Paz

Good day doc…28yrs.old..isa po akong ofw…irregular or regular minsan ang menstrual cycle ko.ask ko lang po maaari po ba itong sanhi ng may mataas na insulin 16.58..at pwede rin po ba maging sanhi ng pagkakaroon ng diabetes, kahit wala sa family history nito..? Salamat po

Michelle

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.