Kidney Stones and other Kidney Diseases

Sakit sa Bato at Iba Pang Sintomas ng Kidney Problems

Ang kidneys ay isa sa mga mahalagang bahagi ng ating katawan. At alam mo ba na maari kang magkaroon ng kidney disease tulad ng kidney stones at ang mas malalang kidney failure ng hindi namamalayan dahil wala itong pinapakitang symptoms ng kidney problems sa simula? Napakadelikado nito dahil mararamdaman mo lang ang mga sintomas kapag 90% hindi na gumagana ang kidneys mo. Kaya kadalasan ng nakakaranas nito, saka pa lang magpapatingin sa doktor kung saan malala na.

Related Article: → Mga bagay na ginagawa natin sa araw-araw na nakakasira sa kidneys. #1 pa lang GUILTY na ako .Click Here.


Bukod pa dun, maraming maaring maging komplikasyon na may kinalaman sa kidney problem ang mararanasan ng pasyente tulad ng cardiovascular system disorders at frequent bone fractures. Kaya naman napakahalagang malaman ng maaga para maiwasan ang ganitong kondisyon.

Ito ang ilan sa mga sintomas na kahit papaano maari mo gawing guide para e-asses ang sarili mo sa posibilidad ng pagkakaroon ng chronic kidney disease.

1. Nangangati at tuyong balat.

Ang kidney natin ay walang pahinga. Sinasala nito ang lahat ng toxins o lason  mula sa mga kinakain natin at pinapalabas ang lahat ng harmful fluids na hindi kailangan ng ating katawan. May mahalaga rin itong bahagi sa circulation ng dugo at sumusuporta sa mineral balance para palakasin ang ating mga buto.

Ang panunuyo at pangangati ng balat, hyper pigmentation, rashes at jaundice na nakakaapekto sa liver at isang uri ng sakit na nagreresulta sa paninilaw ng balat ay ilan lang sa mga palatandaan na may problema ang kidney mo.

Kapag nakakaranas ka ng panunuyo at pangangati, maari  ring dahil ito sa kakulangan ng mineral sa iyong katawan o kaya sintomas ng pagkakaroon ng sakit sa buto. Maari din kasabay nito ang pagkakaroon ng kidney diseases kung saan ang kidney mismo ay hindi na kayang balansihin ang minerals at nutrients sa ating dugo dahil sa dami ng mga toxins o lason.

Ang ganitong mga sintomas ay madalas maramdaman dahil naman sa sobrang phosphorus na di maalis-alis sa loob mismo ng ating katawan.  Ilan sa dahilan nito ay ang pagkalason ng ating dugo sa kakainom at pagkain ng anumang nakakasama sa ating katawan.

2. Laging giniginaw kahit mainit ang panahon.

Ang panginginig, mabilis na pagkapagod, hirap sa paghinga, panghihina at hirap sa pagtulog ay senyales ng anemia. Ngunit ano nga ba ang kinalaman ng anemia o kakulangan ng red blood cells sa pagkakaroon ng sakit sa kidney?

Ito ay dahil sa ang kidney problem ay maaaring makakapagpabagal sa produksyon ng hormone na tinatawag na erythopoietin. Ang hormone na ito ay responsable sa produksyon ng red blood cells sa bone marrow kung saan ang mga red blood cells na ito ang nagdadala ng oxygen sa buong katawan. 

Kaya ang pagkakaroon ng chronic anemia ay isang senyales na merong problema sa kidney ang isang tao. Normally, ang ganitong sintomas ng  anemia at kakulangan ng hormone na erythopoietin ay nararamdaman kapag 20% to 50% na lang ng kidneys ng pasyente ang gumagana. At ang solusyon ng mga doktor dito ay ang pagbibigay ng isang special na klase ng hormone.

3. Mabahong hininga.

Ang mabahong hininga ay resulta ng sakit na may kinalaman sa problema sa ngipin o kaya tiyan. Pero isa mga seryosong dahilan nito ay dahil sa pagkakaroon ng Urinary Tract Infection o UTI kung saan naman ang impeksyon ay maaring kumalat papunta sa kidney. 

Kapag may kidney problem ang isang tao, bumabagal at nagiging iregular ang pagdumi nito kung saan nakakaapekto naman sa gastrointestinal tract dahil umakyat ang acid na nagbibigay ng metallic taste o lasa sa bibig ng tao o kaya kunting amoy ng ammonia mula rito.

Magpakonsulta agad sa doktor lalo na kapag palagi kang naiihi, masakit ang balakang, lagnat at kapag nakakaramdam ka na ng sakit sa tuwing umiihi.

4. Pamamaga.

Nangyayari ang pamamaga kapag sobra ang dami ng tubig sa mga intercellular spaces sa ating katawan. Unang magkaroon nito ay ang paa, mukha, takipmata pero hindi ibig sabihin na hindi ito nangyayari sa ibang parte ng katawan ng tao. Ilan sa kasabay na sintomas nito ay ang pamumutla at panunuyo ng balat kahit sa tamang temperatura. Ilan rin sa mga sintomas ay neurological tulad ng pagkaantok, migraine o pagkirot at pananakit sa buto at mga kalamnan.

Ayun sa mga doktor, ang pamamaga ay nangyayari dahil sa sobrang dami ng sodium ions sa ating katawan na nag a-attract naman ng liquids. Kapag ang mga binti mo ay namamaga, normal lang ito at maaring dahil sa sobrang tagal na pagtayo at pag-upo. Pero kung lagi kang nakakaranas nito at may kasabay pang ibang sintomas, kailangan mo ng magpacheck para malaman kung ikaw ba ay mayroong chronic kidney disease o CKD. 

5. Tachycardia.

Ito ay kapag ang sobrang potassium ay hindi kayang ilabas ng kidney sa katawan mo na maaring magdulot ng negatibong resulta sa iyong cardiovascular system. Sa katunayan, napaka-importante ng potassium sa katawan ng tao dahil nakakatulong ito sa iyong mga ugat, kalamnan at puso. Nakakatulong rin ito sa iyong smooth muscles o yung muscles sa digestive tract, skeletal muscles at heart muscles.

6. Mataas na lagnat at pananakit ng likod.

Ang sobrang pananakit ng likod, mataas na lagnat, madalas na pag ihi at pagsusuka ay indikasyon ng kidney infection na madalas nangyayari sa mga kababaihan. Kapag naranasan mo ito, magpatingin ka na agad sa doktor. Bibigyan ka nila ng antibiotic o painkillers. Dahil kapag hindi ito agad binigyan ng atensyon, pwede itong lumala sa pagkakaroon ng kidney damage.

7. Pulikat.

Ang labis na pulikat ay maaring indikasyon ng imbalance ng electrolytes sa katawan. Ibig sabihin, ang level o dami ng electrolytes sa katawan mo ay maaring sobrang taas o kaya naman sobrang baba.

Ang electrolytes tulad ng potassium, magnesium, phosphate, calcium at sodium ay mga elements na kumokontrol sa ilang physiological functions sa katawan natin. 

8. High blood pressure. 

Ang high bood pressure ay may negatibong epekto sa kidneys. Pwede nyang sirain ang blood vessels kung saan maaring humantong sa kidney failure. Kapag malakas ang daloy ng dugo, ang blood vessels ay maaring ma-unat na magpapahirap naman sa kidney para ilabas ang toxins sa katawan. 

Ayon sa National Institute of Diabetes and Digestive Kidney diseases(NIDDK), ang high blood pressure ay isa sa pangunahing dahilan ng kidney diseases.

9. Panic Attacks.

Maraming pwedeng dahilan ng pagkakaroon ng panic attack ang isang tao tulad ng stress, franek tiredness o kahit genetics. Pero kung ang mga sintomas ay kinabibilangan ng increased heart rate, pagpapawis at biglaang pagbabago sa blood pressure, ito ay maaaring indikasyon ng pagkakaroon ng adrenal tumor o pheochromocytoma.

Ang pheochromocytoma ay bihirang mangyari pero napakadelikado. Ang tumor na ito ay may kaparehong sintomas ng stress, palaging pagsakit ng ulo, madalas na pagkakasakit, insomnia o hirap sa pagtulog, kulang sa energy, problema sa digestive system at kahit depression. Kaya naman ang mga doktor ay pinagtutuunan kaagad ng pansin ang pagkakaroon ng panic attack.

Kaya wag ka ng magtaka kung ang psychotherapist ay gusto kang magkaroon ng full examination para matukoy ang totoo mong kalagayan at ng maagapan habang nagsisimula pa lang kung sakaling meron man.

10. Skin rash.

Kapag sobra ang tubig sa katawan mo, malaki ang posibilidad na magkaroon ka ng skin rash dahil hindi kayang palabasin ni kidney ang mga uremic toxins sa katawan mo.

Paano mo nga ba malalaman na prone o at risk ka sa pagkakaroon ng kidney disease?

Sabi ng isang nephrologist, ang ilang factor na'to ay maaring magbigay sa'yo ng malaking chance na magkaroon ng kidney disease:

  • Meron kang diabetes
  • Meron kang blood pressure problems
  • Meron kang heart problems
  • May relatives ka na may kidney problems(namamana...)
  • Naninigarilyo at mabigat ang timbang
  • 60 years old pataas

Ang pinaka-common na kidney problem na nararanasan ng mga pinoy ay ang pagkakaroon ng kidney stone o gallstone. Ang kidney stone ay hindi dapat binabalewala. Kapag maliit pa, pwede pa itong matunaw at naiisama sa pag-ihi. Pero kapag napabayaan at lumaki, kailangan na ng pasyente dumaan sa operasyon. 

Kung naranasan mo na ang ilan sa mga sintomas na ito, magpatingin ka agad sa doktor para makasigurado. Mas maigi na yung nakakasiguro ka kesa sa bandang huli magsisi ka dahil pinabayaan mo lang.

May kakilala ka bang may kidney problem? Comment ka sa ibaba at kung may tanong ka, pipilitin kong sagutin kita agad.

 

Back to blog

101 comments

Good day poh,ask ko lang po sana ,ang biglaan bang pamamaga ng kanang kamay ko ay relate po ba ito o palatandaang may kidney failure po ako? Madalas po aq inaataki ng u t i po iniinuman ko lang po ng cefrofloxacine with in 1week sa awa ng Diyos nawawsla po.pero pansin ko po iba ng atake po saakin ng uti ko kasi dati mahirap at masakit umihi,ngayon po sumasakit mgakasokasuhan ko,namamaga,at may nagpapantal po napula sauna pag lipas ng 4na araw nagiging itim,at unti² kumakati po habang papaitim po siya….sana po may makatulong po sa akin.di po aq nagpapa check up lagi kasi malayo kami sa siyudad.me ospital kami sa aming lunsod pero dun kami i rerefer sa syudad gawa ng di po xla komplito ng gamit po .

Olive Ladica

Tanong ko lang po sanhi po ba ng kedny ang pamamalat ng balat at super dry ung balat namumula salmat po sa sagot

Bernardita redublado

nasakit ang balakang ko at madilaw at mputla ang balat ko meron din po minsan nsakit s kaliwng bhagi ng sikmura ko may beses din po n pinapanghina at nanlalamig ang pakirmdam ko lalo n po ang paa at kmay madilw po ang mga talampakan ko

marissa nano

Meron po ako dating kidney stones 2 tapos meron din po akong right kidney cyst tubig po ang laman, nagtake po ako ng gamot bigay ng nephro tapos last ultrasound ko nawala na kidney stone ko cyst nalang po. Ang tanong ko po ano po bang dapat gawin pag may cyst sa kidney? Salamat po sa sagot.

Leoniza Leoncito

Meron po ako dating kidney stones 2 tapos meron din po akong right kidney cyst tubig po ang laman, nagtake po ako ng gamot bigay ng nephro tapos last ultrasound ko nawala na kidney stone ko cyst nalang po. Ang tanong ko po ano po bang dapat gawin pag may cyst sa kidney? Salamat po sa sagot.

Leoniza Leoncito

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.