10 Babala at Senyales ng Pagkakaroon ng Hormonal Imbalance

10 Babala at Senyales ng Pagkakaroon ng Hormonal Imbalance

Dati napag-usapan natin kung paano maiiwasan ang hormonal imbalance. Lalo na't ang hormonal imbalance ay ang pinaka-main reason kung bakit nagkakaroon ng cancer ang isang babae.

✍🏻 Related Article: 🙅🏽 9 Health Tips Para Maiwasan Ang Hormonal Imbalance 🙅🏽

Kaya para maiwasan, alamin natin ang mga senyales nito para habang maaga ay magawan na ng kaukulang aksyon kapag sa tingin mo ay nararamdaman mo na.

1. Madalas na pagsakit ng ulo.

Ang palaging pagsakit ng ulo ay maaring indikasyon ng mababang estrogen levels.

Ang estrogen ay ang hormone na nagko-kontrol sa lahat ng metabolic processes sa utak at sa spinal cord. Kaya kung meron kang imbalance, ito ang maaring rason ng pagkakaroon mo ng migraine o kaya ang madalas na pagiging bad mood.

2. Pagbabago sa dibdib ng babae.

Ang biglaang pagbaba ng estrogen levels ay nakakaapekto sa elasticity ng balat. Kaya ang dibdib ay maaring magkaroon ng pagbabago sa hugis at laki.

Ang mga pagbabago sa dibdib ng babae ay maari rin lumitaw dahil sa tinatawag na hormonal changes bago mag menopause.

3. Pagiging makakalimutin.

Ang pagiging makakalimutin ay maaring isang senyales ng hormonal imbalance dahil sa pagkakaroon ng mababang estrogen at cortisol levels.

Ang low cortisol levels ay nakakaapekto sa ating short-term memory habang ang mababang estrogen naman ay nagreresulta sa kawalan ng focus at malabong pag iisip o pagiging bagabag.

4. Biglaang pagbabago ng timbang.

Kung tumaba ka o pumayat ng walang rason, kailangan mo ng epa-check ang hormone levels mo.

Ang thyroid hormones ay nakakaapekto sa metabolism habang ang testosterone, estrogen at cortisol ay nakakaapekto sa pagkakaroon ng bilbil.

5. Hirap sa pagtulog o madalas na insomnia.

Ito ay maaring konektado sa pagkakaroon ng mababang level ng progesteron.

Ang progesteron ay isang natural relaxant. Kaya kung nakakaranas ka ng insomnia, ito siguro ay dahil sa pagkakaroon ng low progesteron level.

6. Biglaang pagkakaroon ng Acne.

Ang biglaang pagkakaroon ng acne ay madalas na resulta rin ng biglaang pagbabago ng hormones sa iyong katawan.

Dahil ang mababang level ng hormone na androgen ay nagreresulta sa acne.

7. Sobrang pagpapawis.

Ang sobrang pagpapawis o kaya lagnat ay ang pinaka-common na senyales ng pagkakaroon ng hormonal imbalance.

Ang ganitong mga simptomas ay madalas pagkatapos mag-menopause dahil ang hormone levels ng babae ay unstable.

8. Laging nakakaramdam ng sobrang pagod.

Kapag pakiramdam mo palagi kang pagod o pagkakaroon mo ng chronic fatigue, ito ay dahil may problema sa production ng thyroid hormones.

9. Problema sa panunaw.

Kapag nagkakaroon ka ng digestion issues o problema sa panunaw, ito ay maaring dahil sa pagkakaroon mo naman ng mataas na level ng estrogen sa katawan.

Dahil ang hormone na ito ay nakakaimpluwensiya sa mga tinatawag na "microflora" sa iyong bituka o mga bacteria.

10. Hair Loss.

Ang sobrang pagkalagas ng buhok ay maaring dahil sa thyroid hormones, insulin o kaya testosterone.

Keep this hormones in check always.

Ngayon, girls! Assess yourself.

Mga ilan kaya sa nabanggit ko dito ang nararanasan mo ngayon?

Don't forget to share this article para kay beshie!

Back to blog

44 comments

nakakaranas po ako nyan lahat maliban po sa pagkalabo ng mata ko wala po jan… ano po ba ang sintomas sa sakit na yan.. at nakakamatay po ba yan

niezel alo

Paano po kung April 8 po ang darating na period ko, pero hindi pap0 ako dinatnan, bali pang 9 days kuna pong delay
Pero 3 times po ako nag Try ng PT pero puro negative po lahat. Buntis po ba ako? Ano po kayang dahilan, nai stress na din po ako ka kasip.

Roxanne

Hello Po 12 years old Po Ako Nung Nov Po 2021 nagkaron Po Ako kaso Po ngatong 2022 3 months napo akong hindi nag kakaron then nung linggo Po Feb 6 pag gising kopo Meron pong dugo sa panty ko then nag napkin Po Ako Maya Maya Po tinignan ko Wala nmn na Po sana Po masagot nakokosensiya npo Kase Ako eh

Nina Angelica enriquez

Doc ask kolang Po 12 years old Po Ako 3month napo akong so noreregla Nung Isang Araw Po pag gising ko may dugo Po Yung panty ko kala kopo nag means nko then naglagay Po akong napkin kaso Po Maya Maya Wala nmn na Po Yung dugo Saka Po madalas pp akong maihi or ma bad mood now Po masakit Po Yung tagiliran ko sana Po masagot nakokosensiya po Kase Ako eh kung buntis poba ko or may sakit

Nina Angelica enriquez

Doc ask kolang Po 12 years old Po Ako 3month napo akong so noreregla Nung Isang Araw Po pag gising ko may dugo Po Yung panty ko kala kopo nag means nko then naglagay Po akong napkin kaso Po Maya Maya Wala nmn na Po Yung dugo Saka Po madalas pp akong maihi or ma bad mood now Po masakit Po Yung tagiliran ko sana Po masagot nakokosensiya po Kase Ako eh kung buntis poba ko or may sakit

Nina Angelica enriquez

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.