keto diet foods

Keto Diet Foods - Easy Pinoy Recipe 2019

Para ipakita sa'yo na madali lang gawin ang Keto Diet, may ibabahagi akong Keto Diet Foods at recipes na maaari mong sundan sa pagsisimula ng iyong keto journey to fitness.

Ang totoo, sa Keto Diet hindi mo naman talaga kailangan baguhin lahat yung usual na kinakain mo. Magdadagdag ka lang paunti-unti ng Keto-friendly foods sa usual na kinakain mo habang unti-unti mo namang babawasan ang mga dati mong kinakain na mayaman sa carbohydrates at sugar.

keto diet foods

Yung common misconception kasi ng iba, kapag gusto mong magpapayat kailangan mo magbawas ng kinakain at mag-exercise. This is actually half- true. Dahil maari mo pa rin kainin ang anumang gusto mo, pwede ka pa rin magpakabusog at mas lalong OK lang kahit wala kang time mag-exercise.

Ang constant struggle ng nagda-diet ay yung diet plan mismo nila ay mahirap sundan. Maaaring nagagawa mo sa simula at unti-unting bumababa ang iyong timbang pero dahil nahihirapan ka, darating din ang araw na susuko ka at titigil. Ang nangyayari, bumabalik ka sa dati mong timbang at ang mas nakakatakot at madalas mangyari, mas bumigat pa ang timbang nila ngayon kesa timbang nila dati.

This happens a lot! Sa Keto Diet, ang importante lang ay bawasan mo ang carb o sugar intake. Di mo kailangang gutomin ang sarili mo. At mas lalong di mo kailangan mag-exercise lalo na't wala kang time. It's easy to commit on doing Keto Diet and make it a part of your lifestyle. Surely, you will reap the benefits after.

Tandaan na ang sugar at processed foods ay walang mabuting naidudulot sa ating katawan at kailangang iwasan. Mas mainam pa rin na sanayin ang sarili sa mga preskong pagkain. At kung bibili ka man sa mga supermarket, laging e-check ang label o yung may nakasulat na "nutrition facts" sa pakete.

Laging panatilihin na 50 grams lang ng carbohydrates ang maaring kainin araw-araw. Pero kung gusto mo ng striktong guide at para sa mabilis na resulta, pwede mo pa babaan sa 20 grams per day ang carb intake mo.

Sa ibaba, may iilan akong easy keto diet foods at recipes na maaari mo sundan.

Halimbawa ng Keto Diet Foods (Mga Dapat Kainin)

Seafoods

Ang mga laman-dagat ay mayaman sa healthy fatty acids, vitamins at minerals. Ang mga hipon at alimango ay walang carbs habang yung ibang shell foods ay may kunti lang nito.

Ang mga fatty fish tulad ng salmon at sardinas dahil sa taglay nitong mataas na omega fatty acid. Pwede kang kumain ng dalawang serving ng sea foods sa isang linggo.

Gulay

Ang mga gulay ay may mababang amount lang ng carbohydrates pero siksik sa vitamins. antioxidants at fiber na kailangan natin araw-araw. Ang mga berdeng gulay tulad ng broccoli, kale at spinach ay nakakapagpapababa sa tsansang magkaroon ng heart disease at cancer.

Ang cauliflower at turnips naman ay pwedeng ihanda na parang kanin at may kaparehong lasa ng mashed potato pero mababa lang ang starch at carbohydrates. Ang mga gulay na may starch tulad ng patatas at beets ay may carbs kaya kailangang limitahan rin ang pagkain sa mga ito.

Dairy Foods

Ang mga uri ng cheese o keso ay mayaman sa fats na magbibigay satin ng energy, mataas rin ang protein at calcium nito pero mababa lang ang content na carbohydrates.

Ang yogurt at cottage cheese ay mayaman sa protein at calcium kaya swak sila sa ketogenic diet mo. Kumain lamang ng plain yogurt dahil yung mya flavored ay mayaman sa sugar. Gumamit ng kahit anong berries at nuts para may lasa pa rin.

Avocado

Ang avocado ang tinatawag talaga na "superfood" ng mga nagke-keto diet. Mayaman ito sa vitamins at minerals lalo na potassium. Sabi sa isang pag-aaral, ang avocado ay nakakatulong sa pagpapababa ng cholesterol level ng 22%.

Mayaman ito sa nutrients at meron lang 2 grams na carbohydrates.

Mga karne at manok

Sa Keto Diet, kailangan mo kumain ng maraming karne. Maliit lang ang carbohydrates sa karne pero mataas sa protein na nakakapagpalaki naman ng muscles. Ugaliin lang bantayan na ang karneng kinakain ay grass-feed dahil mayaman ito sa fatty acids.

Itlog

Ang itlog ay mayaman sa protina at meron lang 1 gram ng carbohydrates. Maliban dito, napakamura rin ng itlog kaya napakadaling isama sa keto diet. Ang itlog din ay nakakabusog kaya madalas kunti lang nakakain mo dahil nabubusog ka na. Marami sa'tin sa pilipinas ay hindi kumakain ng pula ng itlog bagkus yung puti lang. Pero ang totoong nutrients ay nakukuha lamang natin sa pula ng itlog.

Coconut Oil

Ang coconut oil ay matatawag rin na "superfood" pero marami sa atin ay hindi pa pamilyar dito. Nakakatulong ito sa mga taong may diabetes at sa mga pasyenteng may Alzheimer's. Ang coconut oil ay maaring pamalit sa butter oil at magagamit rin sa pagprito at saute.

Dark Chocolate

Ang dark chocolate ay mayaman sa antioxidants at maari mo na ring tawagin bilang isang superfood. Ang mga ganitong chocolate na may 80% mataas na cocoa powder ay nakakapagpababa ng blood pressure. Akalain mo yun? Ang 1 ounce nito ay meron lang 10 grams na carbohydrates. Kaya ugaliin kumain ng chocolate na may 80% o mas mataas na cocoa powder. Kung mas mababa sa 80%, mataas ang chance na nakakasama ito. Always opt for 80% or higher cocoa content. Yung milk chocolate ay hindi healthy chocolate.

Mga Pagkaing Dapat Iwasan sa Keto Diet

Napaka strikto at andaming bawal kainin sa keto diet lalo na pag sugar ang usapan. Pero hindi ibig sabihin nun na hindi ka na rin pwede kumain ng mga desserts at matatamis. Marami pa ring alternative sa sugar tulad ng unsweetened apple sauce para sa mga baked goods. Pwede rin gumamit ng stevia pero in moderation pa rin.

Ang mga prutas ay mabuti para sa kalusugan pero may sugar pa rin ito kaya kailangan mo rin limitahan ang sarili mo mula rito. Ang mga fruit juices ay mayaman sa vitamins pero walang fiber at may napakataas na sugar content.

Mag-ingat sa mga cereals.Dahil tinanggal nila ang lahat ng nutrients dito at siniksikan ng maraming sugar. Huwag kang maniwala sa mga nakalagay sa mga pakete na "nutrition added" dahil ang totoo, tinanggal nila ang lahat ng nutrients mula rito at pinalitan ng asukal para may lasa.

Ang 100% na bran cereal ay mainam sa keto diet at maaaring samahan ng berries para magsilbing pampatamis o pampalasa.

Laging maging mapanuri sa cereal na bibilhin dahil nakakalito ang mga ito. Tungkol sa paggamit ng pulot o honey, ito rin ay considered na may sugar kaya hindi rin safe.

Umiwas sa mga pagkaing may starch tulad ng white bread, pasta at kanin. Lahat ng mga ito ay zero calories. Pwedeng gumamit ng whole grain version pero in moderation pa rin.

Ang mga legumes at beans ay healthy foods pero nag-uumapaw ang taglay nitong carbohydrates kaya kailangan mo rin limitahan ang pagkain mo na hanggang 20 - 50 grams lang per day.

Ito ang isang Keto-friendly recipe na maaari mong subukan sa bahay.

1. Keto-friendly Pork Belly & Stir-fried Kimchi - Easy Keto Recipe

keto diet foods

Ang pagkonsumo ng animal fats gaya ng healthy fats ng pork belly ay napakabeneficial para sa mga taong sumailalim sa keto diet. Hindi lang dahil nakakapagpababa ito ng timbang, ang higher animal fat consumption ay mainam rin para sa mental health at regular hormone production.

Sa isang banda, ang mga fermented vegetables gaya ng kimchi ay hindi na dapat kinokonsidera na hilaw dahil sa pre-digested na ito ng mga good bacteria o yung tinatawag na probiotics.

Dahil rin dun, mas maikli na ang oras ng pagluluto rito kung ikukumpara sa mga presko at bagong pitas na gulay.

Ang pagkonsumo ng animal fats gaya ng healthy fats ng pork belly ay napakabeneficial para sa mga taong sumailalim sa keto diet. Hindi lang dahil nakakapagpababa ito ng timbang, ang higher animal fat consumption ay mainam rin para sa mental health at regular hormone production.

Sa isang banda, ang mga fermented vegetables gaya ng kimchi ay hindi na dapat kinokonsidera na hilaw dahil sa pre-digested na ito ng mga good bacteria o yung tinatawag na probiotics. Dahil rin dun, mas maikli na ang oras ng pagluluto rito kung ikukumpara sa mga presko at bagong pitas na gulay.

Sa recipe na ito, kung marunong kang gumawa ng home made kimchi mas mabuti. Para maiwasan mo rin maglagay rito ng MSG, sugar at grains. Pero kung gagamit ka ng kimchi na binili mula sa mga tindahan, e-check mo muna ang mga ingredients nito.

Ingredients:

300 g naturally-raised pork belly (pwede rin pork tenderloin o lean pork)
1 tbsp naturally-brewed tamari o soy sauce ( dapat gluten-free)
1 tbsp naturally-brewed rice wine
1 lb kimchi
1 tangkay ng green onion
1 tbsp sesame seeds (optional)

Instructions:

1. E-slice ng manipis ang pork belly.
2. E-marinate ito sa tamari/soy sauce at rice wine sa loob ng 10 minuto.
3. Painitin ang kawali(cast iron kung maari), ilagay ang marinated pork belly at e stir fry hanggang maging brown sa loob ng 5 hanggang 10 minuto.
4. Gupitin ang kimchi ng may 1 inch ang haba at ilagay sa kawali kasama ng pork belly at e-stir fry uli sa loob ng 2 minuto hanggang sa mag-mix ang flavors ng dalawa.
5. Patayin ang apoy.
6. E-slice ang tangkay ng green onion at ihalo.
7. Budburan ng sesame seeds sa ibabaw.

Napakadali lang di ba? Pwede mo ng ihain at sapat ito para sa 3 katao. Ang maganda sa keto diet, hindi mo kailangan e-deprive ang sarili mo sa masasarap na pagkain. Kailangan mo lang alamin ang requirements para maging keto-friendly ang mga kinakain mo.

Tandaan, keto is not just a diet. Its a lifestyle.

Back to blog

4 comments

Ang saging saba hindi hinog puede ba sa may diabetes.

Jessica mejiqs

Pwede po bha ang mga acid tulad ng alcohol at softdrinks

Chriselda

Pwede po bha ang mga acid tulad ng alcohol at softdrinks

Chriselda

Gusto kong magtake ng keto diet

Adelia ferrer

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.