calamansi anti cancer properties

Calamansi, may malakas na anti-cancer compound!

Ang kalamansi (scientific name: Citrus  Microcarpa B.) ay isang uri ng maliit na citrus fruit na matatagpuan sa south east asia lalo na sa Pilipinas. Kilala ito bilang isang sangkap sa sawsawan, maari ring inumin, ginagamit panghugas ng plato, pantaboy ng mga langgam sa bahay at preservative.

Pero maliban dun at batay sa isang pag-aaral, ang kalamansi pala ay may powerful compounds na maaring panlaban sa cancer. Ito ay dahil sa mataas na d-limonene content nito.

Ang d-limonene na madalas matagpuan sa balat ng kalamansi ay isang uri ng essential oil na tinatawag naman na terpenes na dati ng pinag-aralan at napag-alaman na may anti-cancer properties. Sa isang pag aaral sa University of Arizona Cancer Center, nadiskubre nila na ang d-limonene ay responsable sa pagkakaroon ng anti-cancer properties sa balat ng kalamansi. Maliban dun, napag-alaman rin nila na ito pala ay mayroon ding taglay na anti-inflammatory properties.

Sa mga pag-aaral sa Pilipinas, tinutukoy ng mga researchers ang katangian ng d-limonene content ng kalamansi patungkol sa mga epekto nito sa mga tao at hayop.

Ang resulta ng pananaliksik na nailathala sa journal ng Industrial Crops and Products ay nagsasabing ang d-limonene ay 93% mula sa kabuuan at ang pangunahing sangkap ng essential oil na nasa calamansi.

Ayon din  sa nasabing pag-aaral tungkol sa epekto ng essential oil na'to sa mammary tumor cell line MCF-7 at chinese hamster ovary tumor cell line AA8, napatunayan nila na ang essential oil ng calamansi ay nagsisilbing lason para sa mga tumor cell.

Dahil dito, naniniwala ang mga tagapagsaliksik na ang toxic effect ng essential oil ng calamansi laban sa mga tumor or cancerous cells ay dahil sa taglay nitong high d-limonene content. At naniniwala rin sila na ang iba pang compounds sa essential oil maliban pa sa d-limonene ay may kaakibat rin na mga benepisyo sa pangkalahatan.

Ang ginawang pag-aaral ay nakakatulong rin sa industriya ng pagtatanim ng kalamansi sa Pilipinas dahil sa imbis ang mga balat nito na dapat ng itapon ay napapakinabangan pa.

Base rin sa pag-aaral, napatunayan na ang essential oil sa kalamansi ay isang mabisa pero natural at murang alternatibong panlaban sa cancer.

Bukod pa dun, tingnan rin natin ang iba pang pwedeng paggagamitan ng kalamansi. Dahil ang kalamansi ay may mataas na nutritional value, ito rin ang dahilan upang ang ibang tao ay ginagawa nila itong juice dahil sa maaring maging benepisyo nito sa kalusugan.

Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

Tumutulong sa pagpapababa ng timbang.

Maliban sa pagkakaroon ng mababang calories, ang calamansi juice ay mainam na panunaw ng taba at  nakakapagpababa ng cholesterol sa katawan.

Nakakapagpalakas ng immune system.

Ang kalamansi ay mayaman sa vitamins at minerals lalo na vitamin C. Ang bitaminang ito ang nagsisilbing panangga ng katawan natin laban sa virus, bacteria at infections. Ang regular na pag-inum ng kalamansi juice ay sinasabing nagpapatibay ng ating katawan laban sa ubo, sipon at lagnat.

Nakapagpabata ng balat.

Dahil sa vitamin c content nito, ang kalamansi ay nakakatulong sa produksyon ng collagen sa katawan. Ang paglalagay ng calamansi juice sa balat ay may magandang epekto sa kutis at nakapagpapabata ng balat. Maliban dun, nakakatulong rin ito para madaling maghilom ang mga sugat.

Pumoprotekta laban sa oral problems.

Ang kalamansi juice ay maaring gamiting mouthwash. Dahil sa vitamin c nito, pinipigilan nito ang tooth decay, bleeding gums, gingivitis at tuluyang pagkasira ng ngipin.

Sumusuporta sa excretory system.

Ang regular na pag-inom ng kalamansi juice ay tumutulong sa kidney function. Pinapababa nito ang amoy o ang panghi ng ihi at pinapalinaw ito. Nalilinis rin niya ang internal organs dahil dini-detoxify niya ang colon at ma-relieve ang constipation. Sa pangkalahatan, pinapabuti niya ang ating bowel movement.

Yan ang maraming mga bagay na siguro ngayon mo lang nalaman tungkol sa mga mabuting dulot ng regular na pag-inum at paggamit ng kalamansi bilang isang kasangkapan sa ating pang-araw araw na buhay.

Kaya simula ngayon, ugaliin mo na uminom ng kalamansi para sa magaang buhay.

Back to blog

3 comments

1 o 2 calamansi araw araw pede na. Dahil pagnapasobra ka sa calamansi at magtatae ka.
Kaya ako, 1 pirasong calamansi araw araw kaya healthy ako

Jerdy

Si baby pagkatapos dumidi nag susuka dahil sa pinainum ko ng kalamansi juice

Mae dote

Gusto ko po sana mag iinum ng calamansi juice.problema acidic po ko.nag rereflux po ko.maliban s calmansi anu po pwede inumin juoce

Romulo berdin

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.