benefits of keto diet

Benefits of Keto Diet

Keto Diet Against High Blood Pressure

Ang high blood pressure ay isang seryosong sakit na maaring magresulta sa pagkakaroon ng heart attack at stroke. At obviously, the higher the blood pressure, the higher the risk.

Ilan sa dahilan ng pagkakaroon ng mataas na blood pressure ay ang agarang pagtanda at labis na pagtaba.

Maraming available na gamot para sa blood pressure. Pero kadalasan sa mga ito ay may mga side effects sa katawan. Dapat mong bantayan na ang normal na blood pressure ay nasa 120/80 lang.

Kadalasan ng mga taong meron nito ay nagiging overweight na malaki rin ang posibilidad na magkakaroon ng type 2 diabetes.

Ang pinakauna mong pwedeng gawin ay simulan baguhin ang iyong lifestyle.


Ang mga sintomas ng mataas na blood pressure ay maaring dahilan ng pagkain ng sobrang carbohydrates. At gaya sa mga una kong paliwanang, ang carbohydrates ay naggig sugar sa katawan na nakakapagpataas ng blood sugar level kung saan napipilitan ang katawan mag-produce ng mas maraming insulin para rito.

Dahil naman sa insulin, naiipon ang fats sa katawan na maaring maging dahilan ng pagtaba. Ag lahat ng ito ay maaring magbigay ng mga negatibong resulta sa katawan.

Kapag kunting carbohydrates lang ang kakainin mo, bababa ang insulin production ng katawan mo at bababa rin ang iyong blood pressure. Kaya ang isang napakasimpleng pagbabago sa diet mo tulad ng pag-adapt ng Keto Diet ay malaki ang maitutulong sa pagbaba ng blood pressure.

keto against high blood pressure


Sa isang pag-aaral na inilathala ng Archives of Internal Medicine,146 katao na may high blood pressure ang boluntaryong sumali para sa pagpapababa ng timbang o weight lose.

Hinati ang mga taong ito sa dalawang grupo.

Ang unang grupo ay isinailalim sa Keto diet na may 20 grams na carbohydrate limit sa isang araw. Ang pangalawang grupo naman ay binigyan ng gamot para sa pagpapababa ng timbang o weight loss at consultation para sundan ang isang low-fat regimen.

Ang resulta? Pareho namang bumaba ang timbang sa magkabilang grupo. Ang nakakamangha lang, nakitaan ng pagbaba ng timbang at blood pressure ang kalahati sa mga pasyenteng sumailalim sa Keto Diet habang 21% lang sa gumamit ng weight loss product ang nakitaan ng positibong resulta.

Pero kung nakakapagpababa ng blood pressure ang pagbaba rin ng timbang, sinabi sa isang pag-aaral na mas bababa pa ito kapag lilimitahan mo rin ang sarili mo sa pagkain ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates.

Napag-alaman rin na ang pagkain ng maraming potassium ay isang malaking bagay rin sa pagpapababa ng hypertension. Sabi ng mga doktor, kakailanganin mo ng 4,700mg ng potassium araw-araw kung gusto mo pababain ang blood pressure mo.

Ilan sa mga pagkaing mayaman sa potassium ay ang mga sumusunod:

keto against high blood pressure

 

  • Avocados
  • Acorn Squash
  • Saging
  • Tubig ng Niyog
  • Dried Apricots
  • Pomegranate
  • Salmon
  • Spinach
  • Sweet Potato
  • White beans

Ang mga nakalista sa taas ay mga kasama sa Keto Diet. Kailangan lang limitahan yung pagkain ng sweet potato(kamote) at beans dahil may starch ito at mataas na carb.

Benefits of Keto Diet Against Cancer

Ang cancer ay isang napaka-seryosong sakit ngayon kung ikukumpara noong 90's. Isa sa mga dahilan nito ay modern diet lalo na ng mga fast foods at sedentary lifestyle o yung kawalan o kakulangan ng physical activities sa araw-araw dahil nakatutok na lang sa cellphone at iba pang gadgets kung saan malakas ang radiation.

Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ikatlo ang kanser sa 10 pangunahing sakit ngayon sa Pilipinas na nakamamatay. Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang bilang ng mga taong namatay sa kanser sa loob ng isang taon sa buong mundo ay umaabot sa 11 milyon at maaring tataas pa sa 17 milyon pagdating ng 2030.

 


Sa Pilipinas, ang pinaka-madalas na uri ng cancer na nararanasan ng mga pinoy ay lung, breast, colon, cervical, liver at prostate cancer.

Isipin mo 'to,
9 sa 10 sa mga naninigarilyo ang namamatay dahil sa lung cancer.
16% sa 50,000 katao na may breast cancer noong 2010 ang namatay.
12 pinay ang namamatay dahil sa cervical cancer araw-araw.
20% ng 100,000 na kalalakihan ang nagkakaroon ng prostate cancer.
At 95 sa 100 katao na may liver cancer ang may malaking posibilidad na mamatay.

Ang rason, hindi sanay at nahihirapan ang katawan natin para e-absorb ang mga lason o toxins na nakukuha natin sa araw-araw. Mga toxins na kadalasan nanggagaling sa mga kinakain natin.

Ang ganito kaseryosong sakit ay kailangan ikonsulta agad sa mga propesyunal at kung maari ay mapag-usapan din ang tungkol sa Keto Diet at kung paano ito makakatulong sa kagalingan ng pasyente.

Meron tayong tinatawag na cancer-specific keto diet na naglalaman ng mahigit 90% healthy fats. Napaka-importante nito dahil ang kanser ay tumutubo o dumadami mula sa pagkain ng carbohydrates at sugar na siya namang iniiwasan o nililimitahan natin sa Keto Diet.

Sa pamamagitan ng Keto Diet, magugutom ang cancer cells dahil sa kawalan ng carbohydrates at sugar mula sa kinakain natin. Ang resulta, babagal ang progression at kukunti hanggang sa mamatay ang lahat ng cancer cells.

Isang rason pa kung bakit napapabagal ng Keto Diet ang pagtubo ng cancer cells ay dahil sa pagbaba rin ng calories sa ating katawan, manghihina ang cancer cells kaya babagal din ang pagtubo nito. Ang insulin ay tumutulong rin para sa cell growth pero dahil pinapababa rin ng Keto Diet ang insulin level ng katawan natin, babagal din ang pagdami ng tumorous cells.

Sa isang obserbasyon na isinagawa sa mga pasyenteng may cancer sa digestive tract, napag-alaman na tumubo ng 32.2% ang tumor ng mga pasyenteng may high carbohydrate diet kumpara sa 24.3% lang sa mga pasyenteng sumailalim sa keto diet.

Sa isa ring pag-aaral sa limang cancer patients na sinasabay ang keto diet sa chemotherapy, tatlo sa kanila ang nagkaroon ng positibong resulta at bumuti na ang pakiramdam habang yung dalawa ay nakitaan ng progression o recurrence ng cancer cells noong tumigil sa Keto Diet.

Ang Keto Diet ay nakakatulong rin sa mga diabetic patients para maiwasan ang pagkakaroon ng cancer. Dahil ang mga diabetic ay may mataas na sugar sa dugo, mas mataas din ang chance nila na magkaroon ng cancer. At dahil pinapababa ng ketogenic diet ang sugar-intake, bababa rin ang chance nila na magkaroon ng naturang sakit.

Sa mga isinagawang pag-aaral, ang Keto Diet ay:
1. Pumipigil sa pagdami ng cancer cells.
2. Pinapalitan ang cancer cells ng mga healthy cells.
3. Ang pagbabago sa metabolismo ng katawan (ketosis) ang siyang dahilan para magutom ang cancer cells para di na kumalat pa.
4. Habang pinapababa ng Keto ang insulin level ng katawan, napipigilan din ang pagtubo ng cancer cells.

Para sa cancer-specified Keto Diet, kailangan ng katawan ng 75% to 90% ng healthy fats, 15%-20% na protina at hindi tataas sa 5% na carbohydrate.

Mga maaring kainin:
1. Lahat ng green, leafy vegetables kasama na ang cauliflower, avocado, mushrooms, peppers, cucumbers at tomatoes.
2. Pwede rin ang dairy products basta full-fat version na cheese, butter, sour cream, yogurt at gatas.
3. Pwede rin ang mga nuts tulad ng walnuts, almonds, filberts at sunflower at pumpkin seeds.

Mga pagkaing kailangang limitahan o bawasan:
1. Mga root vegetables tulad ng yam, parsnip, carrot at turnips at prutas na matatamis.
2. Isang glass ng dry wine, vodka, whiskey at brandy isang beses sa isang linggo. No cocktails with sugar.
3. Isang maliit na piraso ng chocolate na may 75% o mas mataas na cocoa content isang beses rin sa isang linggo.

Mga pagkaing dapat iwasan:
1. Mga malalansa tulad ng bagoong, alamang, pusit, talangka, hipon, alimango/alimasag, itlog at manok.
2. Mga prutas na may dagta tulad ng mangga, kaimito, papaya, santol atbp.
3. Lahat ng pagkaing may sugar, cereals, softdrinks, juices, sports drinks, candies at chocolate. Iwasan ang mga artificial sweeteners.
4. Starchy foods tulad ng pasta, patatas, tinapay, potato chips, french fries, cooking oils at margarine.
5. Iwasan rin ang anumang uri ng beer.

Benefits of Keto Diet Against Epilepsy

Ang Keto diet ay naimbento noong 1924 ng isang doktor para sa mga pasyente niyang may epilepsy. Kaya sa totoo lang, wala itong kinalaman sa weight loss o diabetes management kung saan kilalang-kilala ito ngayon.

Ang epilepsy ay isang nervous system disorder kung saan nagkakaroon ng paulit ulit na seizure ang pasyente dahilan ng aberya sa mga neurons at apektadong cells sa utak.

Kahit sino pwedeng tamaan nito. Pero madalas ito sa mga bata dahil na rin sa ang utak ng bata ay hindi pa fully developed o under the state of development pa lang. Kadalasan kapag nagkakaroon ng seizure ang pasyente, binibigyan lang ito ng gamot. Minsan gumagana, pero minsan hindi.


Kaya noong 1924, naimbento ang ketogenic diet ng doktor na si Russell Wilder ng Mayo Clinic mula sa kanyang ginawang research para tulungan ang mga batang may epilepsy.

Naging matagumpay at epektibo ito sa simula pero noong lumabas ang mga anti-seizure na gamot o conventional medicines para sa seizures, nawalan na ng interes ang mga doktor at pinili na lang magreseta ng gamot na iinumin kaysa ipaliwanag pa kung paano gawin ang keto diet.

Sa ngayon, ang mga doktor ay unti-unting bumabalik sa low carbohydrate at high fat diets para tulungan ang kanilang mga pasyenteng may epilepsy. At tulad noon, napakalaking pagbabago at tulong ang nagagawa ng keto diet sa mga pasyente nila.

Noong 1998, naglabas ng pag-aaral ang Journal of Pediatrics na kinabibilangan ng 150 na mga batang nakakaranas ng madalas na seizures kahit pa umiinom ng mga sikat at kilalang anti-seizure medications. Ang mga batang ito ay isinailalim sa ketogenic diet sa loob ng isang taon habang binabantayan ng mga researchers.

Ang resulta, 83% sa mga bata ay nagpapatuloy sa keto diet sa loob pa ng 3 buwan. One-third ng mga bata ay nakitaan ng 90% na pagbaba ng seizures.

Pagdaan ng isang taon, halos lampas kalahati sa kanila ang nananatili at nagpapatuloy sa programa. 25% sa kanila ay nakakaranas ng 90% na pagbaba ng seizures. Ang mga numerong ito ay sapat na bilang para malaman na ang keto diet ay nakakatulong para limitahan o mapadalang ang seizures ng pasyente. Kinokonsidera rin ng mga researchers na ang Keto Diet ay mas epektibo kung ikukumpara sa mga conventional medicines sa merkado ngayon.

Isa pang pag-aaral ang isinagawa sa 145 na mga bata para suriin ang epekto ng Keto Diet laban sa childhood epilepsy. Hinati ang mga bata sa dalawang grupo. Yung unang grupo ay pinapainom lang ng gamot habang yung ikalawang grupo naman ay sumailalim uli sa Keto Diet.

Ang resulta, 74% sa mga batang sumailalim sa keto diet ang nagawang mapababa ang bilang ng seizures nila.

Sa kasalukuyan, mas marami pang pag-aaral tungkol sa childhood epilepsy at keto diet ang isinasagawa.

Back to blog

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.