Ano nga ba ang Keto Diet?

Ano nga ba ang Keto Diet?

Nasubukan mo na ba ang iba't-ibang diet plan para lang magbawas ng timbang?

Yung iniwan mo na lahat ng nakasanayan mo for the sake of losing weight. Di mo na kinakain yung gusto mong kainin, ginugutom mo na sarili mo, nagpapagod ka pa.

Pwede ka naman magpapayat ng hindi dini-deprive ang sarili mo sa gusto mong kainin. Di mo na kailangan magpagutom. At mas lalong di mo kailangan ng exercise!

Yun ay sa pamamagitan ng Keto Diet.

Kapag binawasan mo ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates, ang iyong katawan ay dadaan sa proseso ng Ketosis. Ito ang estado ng katawan kapag iniwasan natin ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa carbohydrates at sugar. Ang nangyayari, mapu-pwersa ang katawan natin na sunugin ang fats para maging main source of energy.

Typically, ang carbohydrates ay nako-convert into glucose o sugar na nakakapag-pataas rin ng insulin. The more sugar you take, the higher the insulin will be. Pina-process kasi ng insulin ang glucose at dini-distribute para maging energy ng buong katawan.

Ang problema, kasabay ng pagtaas o spike ng insulin ay naiipon din ang fats imbis na maging energy source. Ito ay dahil ang carbohydrates at fats ay parehong pinagkukunan ng lakas ng ating katawan.

Kaya kung mayaman sa carbs ang kinakain mo, mas kukunti lang ang fats na nasusunog ng katawan. Ang resulta, naiipon ang fats sa katawan na siyang dahilan ng pagdagdag ng timbang.

Para saan ang Keto?

Ang Keto Diet ay nakafocus sa pagkakaroon ng mababang amount ng carbohydrates. Sa pamamagitan nito, nagagamit ang fats na naiipon sa ating katawan at sinusunog para maging main source of energy na nagreresulta sa unti-unting pagbabawas ng timbang at pagkakaroon ng mas malakas o extra boost of energy.

Maliban sa pagpapababa ng timbang, marami pang ibang health benefits ang Keto Diet. Sa keto diet, binibigay mo lang kung ano ang kailangan ng katawan mo pero at the same time- pinapabagal nito ang progression ng mga toxins na nasa katawan hanggang sa mamatay.

Karagdagang benepisyo ng Keto Diet

Ang pagbaba ng timbang at pagkakaroon ng mas malakas na katawan ay side effect lang ng Keto Diet. Dahil sa totoo, scientifically proven na ang low-carb diet ay ang pinakamabilis at pinakamadaling paraan para magbawas ng timbang pero ang Keto Diet ay ang may pinaka-maraming health benefits kesa sa iba pang low-carb diet tulad ng Paleo Diet.

Eto ang ilan pa sa mga benepisyo sa ating kalusugan ng Keto o yung pagbabawas sa pagkain ng carbohydrates para bigyang daan ang fats na maging main source of energy ng katawan.

Kontrol sa blood sugar

Ang pagpapanatili ng blood sugar sa mababang level ay napaka-importante para maiwasan ang magkaroon ng diabetes. Ang Keto Diet ay scientifically proven na effective laban sa mga sintomas ng diabetes.

Kadalasan rin kapag diabetic ang isang tao ay overweight ito. Kaya tamang-tama ang Keto Diet na nakakapagpababa ng timbang o nakakapayat.

Mas malakas na Mental Focus

Ang Keto Diet ay nakafocus sa pagkain ng mayaman sa fats, moderate amount ng protein at minimal amount ng carbohydrates. Ang mangyayari, mapo-pwersa ang katawan na gamitin ang nakareserbang fats para maging main source of energy ng katawan.

Kapag ang tao ay nakakaranas ng cognitive disease tulad ng Alzheimer's, ibig sabihin kulang sa glucose ang utak. Pero dahil sa Keto, maaring mapalakas uli ang brain function ng utak ng pasyente.

Sa isang pag-aaral na isinagawa ng American Diabetes Association sa mga Type 1 Diabetic, napag alaman nila na mas lumakas ang brain power ng mga pasyente sa pamamagitan lang ng pagkain ng coconut oil na isa rin sa pinakaimportanteng parte ng Keto Diet.

Mas malakas na katawan

Hindi na iba sa atin ang manghina at pagod na pagod dahil sa buong araw na pagtatrabaho. Pero madalas resulta lang ito ng diet na mayaman sa carbohydrates. Mas maiging gumamit ng fats bilang main source of energy para maging mas masigla at mas malakas ang katawan. Siglang hindi maibibigay ng sugary o high carb diet.

Pagkakaroon ng mas makinis na balat

Karamihan sa mga health benefits ng Keto ay well-documented. Kaya marami ang nagulat nung malaman nila na nakakapagpabata at nakakapigil rin pala sa pagdami ng acne ang Keto.

Sa isang pag-aaral ang isinagawa noong 1972, napag-alaman na ang mataas na bilang ng insulin ay may direktang epekto sa pagdami ng acne. At dahil pinapanatili ng Keto Diet ang mababang insulin level sa katawan dahil din sa mababang amount ng glucose, nakaka-apekto rin ito sa kalusugan ng balat.

Panlaban sa agarang pagtanda

Maraming mga sakit sa ngayon na may kinalaman sa agarang pagtanda o aging. Bagama't wala pang naturang pag-aaral na isinigawa sa tao, napag alaman na sa pag-aaral na isinagawa sa mga daga- nakitaan ang mga ito ng improvement sa brain cells pagkatapos sumailalim sa keto diet.

Sa ilang isinagawang pag-aaral sa mga pasyenteng may Alzheimer's Disease, nakitaan ng positibong epekto ang pagpapasailalim sa kanila sa Keto Diet.

Dahil kapag kumakain tayo ng mga pagkaing mayaman sa nutrients, antioxidants, kunting sugar, tamang bilang ng protina at healthy fats tapos minimal amount lang ng carbohydrates, may mabuting epekto ito sa ating kalusugan sa pangkalahatan.

Sinasabi rin sa isang research na ang paggamit ng fatty acids bilang pangunahing pinagkukunan ng energy ng katawan kapalit ng sugar ay nakakapag-pababa sa proseso ng pagtanda.

Hindi madaling magutom

Ang isa sa main reason kung bakit palpak ang karamihan ng nagda-diet ay dahil sa hindi na nila kayang tiisin ang gutom. Yun yung mga taong pinagkakaitan ang sarili sa pagkain kahit gutom na gutom na.

Ang low carbohydrate diet ay taliwas dito at nagbibigay pa ng pakiramdam ng pagiging busog. Kapag ganun, mas mataas ang chance na maipagpapatuloy ng isang tao ang Keto diet kesa sa ibang uri ng dyeta.

Mas malinaw na paningin

Kung diabetic ka, siguro alam mo na ang pagkakaroon ng mataas na blood sugar ay maaring magresulta sa pagkakaroon ng katarata. Pero dahil kino-kontrol ng keto diet ang blood sugar level ng katawan, maari din maiwasan ang katarata at mapanatili ang kalusugan ng mata.

Napakaraming benepisyo ang maaring maidudulot ng Keto Diet. Pero ito ay hindi basta basta ginagawa at dapat ay may karampatang assistance o guidance mula sa isang taong knowledgeable sa bagay na ito.

Back to blog

8 comments

Anoang dapatkaininngisang diabetiv na bumababp

Yolandaremolacio

Unsay tama kaunon sa may diabetes

Daniel j Bandico

Unsay tama kaonon sa may diabetes

Daniel j Bandico

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.