hormonal imbalance

9 Health Tips Para Maiwasan Ang Hormonal Imbalance

Ang hormones ay ang tinatawag na messenger o tagapagpahayag ng nararamdaman ng katawan natin. Ito ang kumokontrol at responsable sa mga komplikadong proseso na nangyayari sa ating katawan.

Pero dahil sa fast paced modern lifestyle na meron tayo ngayon, mas lumalaki at dumarami ang mga kababaihan na  nakakaranas ng hormonal imbalance. Ang nakakatakot pa, ang hormonal imbalance ay ang main reason kung bakit prone sa pagkakaroon ng kanser ang isang babae.

Kaya para maiwasan ang hormonal imbalance, heto ang 9 healthy tips para maging balanced ang iyong hormones.

1. Iwasan ang mga harmful chemicals.

Probably, alam naman natin kung anu-ano yung mga examples ng toxic o harmful chemicals kaya pagtutuonan na lang natin ng pansin yung mga toxic chemicals na hindi natin alam nasa pagkain na pala. Ito yung tinatawag na endocrine-disrupting chemicals. Ang iba tinatawag itong hormone-disrupting chemical at lately lang ito lumabas sa pag-aaral.

Ang hormone-disrupting chemical na'to ay matatagpuan sa mga plastic materials na ginagamit sa fastfoods at restaurant na nalilipat naman sa mga pagkaing inorder natin ayun sa isang pag-aaral ng Environment International.

 Ang tawag sa chemical na'to ay phthalates. At ang pagiging expose dito ay maaring magreresulta sa labis na pagtaba, infertility, mababang IQ ng bata, mataas na chance ng pagkakaroon ng Diabetes ng kababaihan, breast cancer, pagkakaroon ng asthma at low sperm count sa mga kalalakihan.

Happy ka pa ba sa meal mo? Subukan na lang natin ang number 2.

2. Kumain ng prutas at gulay.

This is given. It's a must. Pero mas mabuti pa rin maintindihan natin kung ano yung essential nutrients na kailangan ng ating katawan.

Ang mga nutrients na'to ay nahahati sa dalawang kategorya, ang Macronutrients at micronutrients.

Ang macronutrients o yung primary building blocks ng diet natin ay kinabibilangan ng protina, carbohdrates at fats na nagbibigay sa katawan natin ng energy. Habang ang micronutrients naman ay kinabibilangan ng mga vitamins at minerals.

Ang mga nutrients na'to na manggagaling sa pagkain ay importante para tayo makaiwas sa sakit at maging malusog.

3. Gumamit ng Olive oil, real butter at coconut oil.

Healthy oils! Good for the heart. Maliban dun, halos magkapareho lang sila ng calorie content. Ang isang kutsara ay katumbas ng 120 calories.

Taglay rin ng dalawa ang tinatawag na saturated fats bagama't mas marami nito sa coconut oil na ang katumbas ng isang kutsarang coconut oil ay may 12 grams habang 1 gram lang ang meron sa olive oil.

Ang lauric acid na nasa saturated fats ay nakakatulong sa pagbabawas ng timbang at nakakatulong para maiwasan ang Alzheimer's disease.

Ang olive oil naman ay mas maraming taglay na good fats dahil sa pagkakaroon nito ng monounsaturated fats na may Oleic acid.

Ang Oleic acid ay tumutulong na ibaba ang blood pressure at iwasan ang cardiovascular diseases. Meron din itong antioxidants na humaharang naman sa mga free radicals na siyang dahilan ng maagang pagtanda, cancer at iba pang sakit.

4. Mag-exercise.

Ang exercise ay nakaka-increase ng dopamine levels sa utak na nagpapababa naman ng stress at depression. Ang palagiang physical activity rin ay nagre-release ng serotonin na nagpapahimbing naman ng tulog ng tao. Meron din itong positibong epekto sa mood ng isang tao, behavior o ugali, appetite, digestion, memory at sexual function.

Para sa mga kalalakihan, ang pag-eehersisyo ay nakapagpapataas ng testosterone level na direktang nakakaapekto sa lakas ng isang lalaki, gana sa sex at sperm count. Habang nagkakaedad kasi ang lalaki ay bumababa rin ang testosterone level nito kaya ang exercise ay nakakapagpabagal ng pagtanda.


Sa kababaihan naman, ang exercise ay nakakapagpataas ng estrogen level. Ang simptomas ng pagme-menopause ng isang babae ay bahagyang dahil sa pagkakaroon ng imbalance o di kaya ay pagbaba ng estrogen level. Kaya ang page-exercise para mapataas ang estrogen ay nagpapahina rin sa mga simptomas ng menopause.

5. Alagaan ang Leptin.

Ang Leptin ay isang hormone na tumutulong sa pagbabawas ng iyong timbang. Tinatawag rin itong "starvation hormone". Ito ay may direktang impluwensiya sa utak lalo na sa hypothalamus.

Interestingly, ang Leptin ang nagsasabi at nagko-convince sa utak mo kung tama na ang kinakain mo o sobra na kaya hindi mo na kailangan kumain. Ang main role ng leptin ay ang long-term regulation ng energy sa katawan mo.

6. Bawasan ang pagkakape.

Ang coffee ay direktang nakakaimpluwensiya sa hormonal balance. Base sa pag-aaral sa ilang kababaihan na may edad na 18 hanggang 44, napag-alaman na ang caffeine na matatagpuan sa kape ay nakakapagpapababa ng estrogen level.

7. Matulog sa tamang oras.

Ang pagkakaroon ng sapat na tulog ay isa sa pinakaimportanteng bagay para sa kalusugan ng tao. 

Base sa pag-aaral sa Surrey University sa England, ang kakulangan sa pagtulog ng isang tao ay nagreresulta sa 700 genes sa katawan ng tao upang maging dis-organize o wala sa tamang proseso.

8. Uminom ng supplements at minerals.

I get it. Wala kang time. Lage ka nasa fast lane at naghahabol. 

Pero kung gusto mo talaga mapangalagaan ang katawan mo kahit lage kang busy, pwede ka naman mag-take ng supplements na kailangan ng katawan mo. Ilan sa mga ito ay spirulina, turmeric, moringa o kaya kahit anong merong trace minerals para mapalakas pa lalo ang iyong immune system at masigurado mong hindi ka magkakaroon ng hormonal imbalance.

9. Alagaan ang gut hormone.

Ang gut hormone ang tinaguriang susi sa pagkontrol sa dami ng kinakain ng tao at pag-distribute ng energy. Ito ang pinakamalaking organ na nagpo-produce ng hormone nag nagre-release ng tinatawag na peptide hormones na nakakaimpluwensiya rin sa utak para ma-regulate ang pagkain at ma-enjoy ito.

Back to blog

44 comments

Tanong q lang po sana na raspa po aq last march anembryonic preg.gusto po sana namin mg try ulit kaso errigular po ang mens q minsan 48cycle day pnka mbba po is 35 cycle sign po b un ng hormonal imbalance.ano dapat gawin or e take n vitamins para magka babay n po aq ulit

Bing
Cgro nga nag sila as an mga acne ko dahil sa hormones ko… Hirap ako sa pagtulog
Emelyn cuyos

Suggest kopo ano Po ang na mean na hormonal imbalance..Kasi may bukol ako sa tainga..hormonal imbalance Po ba eh ang kilo ko dapat naka base sa height and weight.or Hindi dpat mag baba ang kilo ko kung ano mayron dati

Joy Ann aduana

Tanong k LNG po last month konti lng ang mens KO tas ngayong buwan spa ako nagmemens tas Yung tiyan KO lumalaki tas lagi sumasakit tiyan KO at gusto KO tulog ako Ng tulog tas minsan nahihilo rin🥲🤕🥹😴

Honeylette Vergara

Gusto ko po malaman kung ano ang pag balance ng hormone sa babae kasi po naoperahan na ako ng thabso nwala n syab pio lumipat lng sa leeg ko nmn …i think need ko ng mag balance hirmonemaari nyonoonituro sa kin kung paano ang best kong gawin pra maging balance ang hormone ko.. sa totoo lng po ayko ng maoperahan..

Vivian Santos

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.