8 Tips Kung Paano Tulungan Ang Taong May Depression

8 Tips Kung Paano Tulungan Ang Taong May Depression

Sabi ni Elizabeth Wurtzel, " A human being can survive almost anything, as long as she sees the end in sight."

Pero iba ang pagkakaroon ng depression. Para kang nakakulong sa madilim na kwarto at wala kang nakikitang pinto palabas.

Mahirap harapin mag-isa ang depression kaya payo ng mga professionals na mahalaga ang suporta ng mga kaibigan at kakilala ng taong nakakaranas nito para maging gabay at makakatulong ibsan ang lungkot, pag-aalala at iba pang negatibong pakiramdam na dala ng depression.

Hindi natin masasabi pero baka may kakilala ka rin na nakakaranas ngayon ng depression at maari anumang oras ay kumontak sila para magkaroon ng emotional support at tulong mula sa'yo.

Sabi rin ng psychologist na si Selena C. Snow, PhD, ang mga taong nakakaranas ng depression daw ay may kakayahang makaunawa na hindi lang pala sila ang tahimik na nahihirapan sa sakit na yun kapag magkaroon sila ng suporta at pag-unawa mula sa mga taong naiintindihan rin ang kanilang nararamdaman.

Kaya napakalaking bagay ng encouragement para labanan ang sakit nila ng sabay dahil naiintindihan nila ang nararanasan ng bawat isa. Mula dun, sabay-sabay din nila itong haharapin at paunti-unting pagtagumpayan sa araw-araw.

At kung hindi mo pa nararanasan ang depression, maaring hindi mo rin maiintindihan kung paano sila tutulungan kaya dapat mong maintindihan ang ilang bagay para maipakita mo na importante sila sa'yo at nag-aalala ka para sa kanila. Kailangan nilang makita mula sa'yo na mahal mo sila at mahalaga sa'yo ang mga nararamdaman nila.

1. 'Wag mong balewalain ang nararamdaman nila.

One time nanood ako ng tv, isang kilalang comedian sa tv ang nag-joke tungkol sa depression. Ang punto niya ay ang depression daw ay kaartehan lang. Kinabukasan, inulan sya ng batikos hanggang humantong sa pagkakaroon niya ng public apology.

The truth is, isang seryosong kondisyon ang pagkakaroon ng depression. Kung ikaw may kakilala kang nakakaranas nito, wag mo rin silang  balewalain at tratuhin na parang normal o wala lang. Dahil kapag ganun, parang binalewala mo at wala kang pakialam sa nararamdaman nila.

Kailangan mong pahalagahan at ipakitang naiintindihan mo ang pinagdadaanan nila. Dahil kapag nakita nila na nag-aalala ka para sa kanila, isang malaking bagay ito para sa kanila at kahit papaano ay gagaan at maiibsan ang lungkot na kanilang  nararamdaman.

2. Di mo sila kailangan gamutin.

Dahil kung ganun lang sana kadali, sapat na ang isang consultation sa psychologist para gumaling yung nakakaranas ng depression. Pero ang totoo, maraming dahilan at sintomas ang depression kaya napaka-complicated nito.

Kaya imbis na subukan mo silang ipagamot, mas maigi na iparamdam mo sa kanila na andyan ka, nagmamahal, sumusuporta, umiintindi at nagpapasaya.

Kasi kahit malinis ang intensyon mo para  sa kanila, di naman gamot ang kailangan nila kundi isang professional psychologist at ikaw. Dahil mas kailangan nila ng suporta at pagmamahal, hindi gamot.

3. Hindi sa lahat ng panahon nakakatulong ang pagiging palaging positibo. 

Ang pagkakaroon ng suporta at positibong pananaw mula sa'yo ay napakahalagang bagay para sa isang taong malapit sa'yo na nakakaranas ng depression. Pero dapat dahan-dahan lang  at wag sumubra sa pagpapa-realize ng mga positibong bagay kasi maaring kabaliktaran ang maging resulta nito sa kanila dahil nga hindi nila kaya o mas nakatuon ang pag-iisip nila sa mga negatibong bagay. At maari itong magresulta sa pagkakaroon ng mas negatibong pananaw.

4. Pakinggan mo sila.

Tanungin mo at hayaan mo silang magsalita tungkol sa nararamdaman nila kahit na puro negatibo ang sasabihin nila. Dahil mahalaga sa kanila ang magkaroon ng tagapakinig, nagbibigay atensyon at pagpapahalaga.

Wag mo silang iwasan na porke hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo. Minsan kahit ang presensya, pakikinig at buong atensyon mo lang ay sapat na para maramdaman nila na mahalaga sila.

5. Intindihin mo ang nararamdaman nila.

Karapatan natin lahat ang magkaroon ng pagpapahalaga at bigyang importansya ang saloobin ng bawat isa. Yung tipong kahit minsan hindi mo sila maintindihan, malaking tulong na ang nagagawa ng simpleng pag-unawa mula sa'yo.

Unawain mo ang nararamdaman nila at sitwasyong nasa'n sila ngayon para matulungan silang iwaksi ang mga bagay na magpapaliit ng tingin nila sa sarili o magbibigay sa kanila ng labis na kalungkutan.

6. Lagi ka magpakita ng suporta.

Ang isang taong nakakaranas ng depression ay maaring nahihirapan sa paghingi ng tulong mula sa iba kung sakaling nangangailangan siya nito. Kaya napakaimportante na lagi kang nandyan para ipakita ang iyong pagmamahal at suporta sa mga panahong kailangan nila ito.

Iparamdam mo sa kanila na mahalaga sila para sa'yo at kung sakali man na kailangan nila ng tulong ay andyan ka lagi anumang oras na kailangan nila. Kusa mong ipakita ang suporta at pagmamahal mo at siguradong ma-appreciate nila ito.

7. Imbitahan mo silang lumabas.

Kadalasan kapag nakakaranas ng depression ang isang tao ay lagi na lang itong nagkukulong at ayaw lumabas ng kwarto. Kaya subukan mo silang imbitahan para magkaroon ng ibang activities kasama ang iba pang kapamilya kesa magkulong lage sa kwarto.

Dahil kapag nasubukan nila lumabas at mag-enjoy sa ilang activities ay maaaring magdulot ito  sa kanila ng positibong bagay. 

Pumayag man sila o hindi sa imbitasyon mo ay malaking bagay na para sa kanila at maiisip nila na meron palang mga tao na nagpapahalaga sa kanila.

8. Maglaan ng panahon para sa sarili.

Kahit gaano mo kagusto tulungan ang isang taong may depression, kailangan mo rin sigurohin na na maaalagaan mo pa rin ang sarili mo. Maglaan ka rin ng panahon para sa sarili mo ng hindi ka rin maging depressed.

Kung feeling mo pagod ka o nanghihina, ito ang mga senyales na kailangan mo rin magpahinga at mag-enjoy mag-isa para sa sarili mo.

Dahil kapag naging depressed ka na rin dahil sa kagustuhan mong tumulong at umunawa sa kanila, mas magpapalala lang ito ng nararamdaman nila kasi nadamay ka pa.

Dapat lage kang masaya at positibo para maging lakas nila kung kailangan nila nito.

Hindi madali ang mag-alala sa taong nakakaranas ng depression. Kaya kailangan mo rin ng good time para sa sarili mo. Mag-enjoy ka. Lumabas ka, gawin ang mga hilig mo, mag-gym ka. Magkaroon ng oras sa ibang mga kaibigan.

Maaring makaramdam ka ng guilt sa sarili mo pero pag hinayaan mo naman ang sarili mo at magpadala ka rin sa kalungkutan, mas lalong hindi iyon makakatulong sa'yo at sa mahal mo sa buhay na nakakaranas ng depression.

Ang depression ay isang seryosong kondisyon na nakakaapekto sa marami. Pero  marami rin ang paraan na maari mong gawin para tugonan ito. Kung hindi ka man nakakaranas nito, siguro ang isang taong malapit sa'yo.

At para sa kanila, ang suporta at pagmamahal mo sa kanila sa mga panahong ito ay isang napakalaking bagay.

May kilala ka bang sa tingin mo ay may depression? Comment ka sa ibaba para matulungan natin sya.

Back to blog

156 comments

Good morning, naglakas lob ako to share and comment pra maka hingi ng payo how to handle and help my daughter who suffering anxiety depression since November last year, now she is in LOA from PLM school as nursing student and regular check up to National Metal Center and taking some medication. This June 1 ifollow up nmen yun psychology test if she allow rather can back to school but ahe always request not in PLM n and also hindi n nia decided anong course but ahe really want to go back to study to fulfill her dream and want nia maka work pag graduate pra makahelp samen, by the way solo parent n ako and halos mga kapatid nlng/anak ko na provide ng need namen ng youngest sister nia. The reason why I comment to this are to help me how to handle and how to communicate much better to her and to avoide n baka mangyari s bunso mukhang dun papunta n din lalo they are both want to purse their dream to be a better daughter and sibling, to achieve the course they want. Thank you and God bless

Ria Glorioso Escama

Hi po normal po ba na sabihin nila na wala na laman isip nila blanko na daw?

CYRIL MALAGUEÑO CELORICO

Naugali napo Ng anak ko.lalaki 22 yrs old na magkulong sa kuwarti at Hindi kumain ..kapag Hindi na po Siya pumasuk sa trabaho nya..sinasabi nya na binubuli daw po xa..sa ngayon po 3 buwan na siyan di lumalabas at minsan kakain minsin magdamag ay Hindi kakin ..uminom lang po tubig at ayaw kami kausapin..palagi po Siya ganun Ngag edad Siya Ng 18 ay tumigil Ng mag aral at nagtrabaho na ngunit Bigla na Lang titigil sa trabaho dahil binubuli daw Siya
Salmt po sa maitutulong nyu..

Rubilyn Camata

Naugali napo Ng anak ko.lalaki 22 yrs old na magkulong sa kuwarti at Hindi kumain ..kapag Hindi na po Siya pumasuk sa trabaho nya..sinasabi nya na binubuli daw po xa..sa ngayon po 3 buwan na siyan di lumalabas at minsan kakain minsin magdamag ay Hindi kakin ..uminom lang po tubig at ayaw kami kausapin..palagi po Siya ganun Ngag edad Siya Ng 18 ay tumigil Ng mag aral at nagtrabaho na ngunit Bigla na Lang titigil sa trabaho dahil binubuli daw Siya
Salmt po sa maitutulong nyu..

Rubilyn Camata

Ako po ay dumaranas ng matinding depression sobrang hirap po feeling mo n nagiisa ka, lalot malayo ang mga anak mo sayo, depression mula sa pagloloko ng aking partner ng paulit ulit,ngaun inisip ko mga anak ko dahil ung pangarap ko na buo kami is nasira lang..kaya iniisip ko madamot ba ako,pero ilang ulit ko na pinatawad ang partner ko sinakripisyo ko ang lahat pero benalewala lng niya lahat.at paulit ulit nalang, sobrang sakit sobrang hirap,nagaaral ka sa ibang bansa at thesame tume nagtatrabaho kapa para sa kinabukasan ng mga anak mo,wala po akong maraming kaibigan at sinasarili ko nlng po ang problema ko nagdarasal lng po ako un lang po ginagawa ko.

Yan

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.