8 Senyales Na Overstressed Ka Na Pero Di Mo Pa Rin Namamalayan

8 Senyales Na Overstressed Ka Na Pero Di Mo Pa Rin Namamalayan

Sabi ng WHO, ang stress daw ay isa sa mga main factor kung bakit nagkakasakit ang isang tao. Kaya pagtuunan naman natin ng pansin kung paano mo ba malalaman na stressed ka na pala.

1. Hair Loss.

Kapag nakakaranas ka ng hair loss lalo na tuwing naliligo ka o habang nagsusuklay, it's time to evaluate your current situation. 

2. Biglang Pag-iba ng Timbang.

Ang stress ay maaring maging rason sa pagbaba ng timbang dahil sa kawalan ng ganang kumain. Pero maari rin sa pagbigat ng timbang kung saan naman dahil sa pagbagal ng metabolismo ng katawan.

3. Pagiging Balisa.

Kapag  lage pakiramdam mo hindi ka komportable, balisa at di kumalma, yan ay mga sintomas na overstressed ka na. Kapag hindi naagapan, maari itong lumala.

4. Kawalan ng Gana Makipag-Sex.

Ang stressed ay pwede rin magresulta sa kawalan ng ganang makipagtalik dahil pinapababa nito ang level ng oxytocin o love hormone sa ating katawan.

5. Hirap sa Pagtulog.

Isa ring senyales sa pagiging stressed ay ang pagkakaroon ng insomnia o laging hirap sa pagtulog. Kaya kung ano man ang dahilan ng pagkakaroon mo ng stress, dapat bigyan mo na ng sapat na panahon para ayusin at solusyonan.

6. Pabago-bagong Mood o Ugali.

Biglang nagbabago ang mood kapag stressed ka dahil nakakaapekto rin ito sa level ng iyong hormones.

7. Body Pains o Pananakit ng Katawan.

Ang stress ay maari ring maging dahilan sa mga iregularidad sa katawan mo at maaring magresulta sa palpitation, tense muscles, diarrhea, ulcer, stomach problems at chest pain o pananakit ng dibdib.

8. Laging Iniisip ang Trabaho.

Kadalasan sa stress ay nag-uugat sa trabaho. Kaya kapag lagi mo iniisip ang trabaho, mga bagay na dapat at obligasyong kailangan mo pang gawin, magiging stressed ka lang lalo. Kailangan mo rin mag-relax at mag-enjoy kasama ang pamilya.

After all, ginagawa mo naman ang mga bagay-bagay para sa kanila. So why not make the most of your time with your family. It's all worth it.

Yan ay ilan lang sa mga halimbawa at palatandaan kung paano malalaman na stressed ka na pala.

Evaluate yourself. Kapag naranasan mo ang ilan d'yan, subukan mo naman magdahan-dahan.

After-all, your well-being is of utmost importance. 

Kapag may tanong ka, comment ka lang sa ibaba at pipilitin kong masagot kita agad.

 

Back to blog

19 comments

Lahat po ng nasabi nyo tungkol sa stress eh nararanasan ko po ngayun… Ano pa ba maganda solusyun upang maiwasan ko ang over stress…

Gilmar

ako po may diabetes nlmn ko po ito nong Sept 2023 nagpa lab ako…Last May 2023 nakunan ako at binalewa ko ndi ako nagparaspa dhl ok nmn ako hanggang naka 1 month ako chaka k nrmdmn na may iba sa ktawan ko lht ginwa na nmin nagoahilot nagoagamot hnggng s snbi k magpa ospital ako unang findings s akin uti pero never nagbgo pkrmdm ko po kaya naisipan k magpa gen lab doon lumabas na mataaa sugar ko…..pero kht nagte take nko ng mga gamot ko dumdating parin ung point na kung ano ano naiisip ko ,kaya sabi ko sgiro may anxiety ako kase po lht ng sintomas dama ko..gusto ko po maging normal na uli ung katawan ko …mabawasan ung nrrmdmn ko..ung pagkkroon k ng diabetis tanggap ko na po pero ing ibng pkirmdm dko po tanggap lalo na kung sumusumpong ano po need kong Gawin khit ayaw k mag isip ndi po maalis sa akin pls pahelp po🙏

ellha

anu plagr po aqng nababalisa nahihirapang huminga sa gabe at palage din pong nanakit dibdib q anu po kaya ang pede kng gawen oh inumin para po mawala to

jhaymar lubugan

anu plagr po aqng nababalisa nahihirapang huminga sa gabe at palage din pong nanakit dibdib q anu po kaya ang pede kng gawen oh inumin para po mawala to

jhaymar lubugan

Ako po Hanggang Ngayon nararanasan ko Ang hair loss,pananakit Mang katawan at tiyan at pa iba ibang mood ano Po Ang aking gagawin pls tulungan Po ninyo Ako

Sheryn

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.