6 Negative Effects ng Kakulangan sa Collagen

6 Negative Effects ng Kakulangan sa Collagen

Collagen is often considered to be the glue that holds the body together.

Ang collagen ay isang uri ng natural protein na matatagpuan sa halos buong katawan ng tao sa loob man o sa labas. Kagaya ng connective tissues, muscles, litid, buto, ugat, balat at marami pang iba.

Maging ang cornea sa mata ay may collagen. Halos 30% ng protein sa katawan ng tao ay meron din nito. Mahalaga ang sangkap na ito dahil ito ang nagkokonekta para mabuo ang katawan.

Natuklasan na sa pagtanda ng tao, kasabay rin nito ang panghihina sa pagpo-produce ng collagen. At sa edad 20-30, ang production ng collagen sa katawan ng tao ay bumabagal na.

Dahil dito, nawawalan din ang balat ng kakayahan na ayusin (repair) ang sira na dulot ng free radicals, sikat ng araw, usok, pagpupuyat, sobrang pag inum ng alak, pagod, sobrang pag-aalala(stress) at iba pa.

Ito ang anim na negatibong epekto ng kakulangan ng collagen sa ating katawan.
1.  Agarang pagtanda.
2. Paglitaw ng mga hindi kanais-nais  tulad nung guhit, pikas at marka sa mukha (fine lines, dark spot).
3. Pag-kulubot(sag) ng muscles sa mukha at braso at sa iba pang bahagi ng ating katawan.
4. Tuyo at magaspang na balat(dryness, roughness).
5. Pagkawala ng tingkad at sigla ng buhok.
6. Panghihina ng buto, pagkasira ng cartilage at kawalan ng flexibility ng mga joint na maaring mauwi sa osteoporosis, stroke at atake sa puso.

Payo ng mga Health Expert:

Ang sapat na dami ng collagen sa katawan ay dapat mapanatili kung ang isang babae o lalaki man ay naghahangad mapanatili ang kalusugan, kabataan at kagandahan.

Dahil ang kakulangan ng collagen ay nagreresulta sa agarang pagtanda ng balat at katawan natin, kahit ano pa ang edad. At walang kahit anong anti-aging system na maaring makatulong kung ang katawan mo mismo ay kulang sa collagen.

Back to blog

6 comments

Anong gamot at producto ang maaari kong inumin para dumami ang collagen ko sa katawan

Ai-sha

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.