Ang katawan ng babae ay palaging dumadaan sa maraming mga pagbabago. Habang tumatanda, ang katawan ng babae ay nakakaranas nito. Kaso nga lang, ilan sa mga pagbabagong ito sa mga kababaihan ay parang normal o typical na bagay lang. Pero ang totoo, minsan may malalim pa palang dahilan. Dahil ilan sa mga senyales o pagbabagong ito ay sintomas na pala ng cancer.
Kaya napaka-importante para sa isang babae na bantayan ang mga pagbabagong ito. Dahil ang katawan natin ay may sariling paraan para iparamdam kung may mali sa katawan natin. At dahil kilala rin naman natin ang ating sariling katawan, nararapat lang na bigyan natin agad ng pansin ang mga pagbabago na ating nararamdaman para hindi na lumala pa. At mas mabuti rin na isangguni agad sa doktor para mas mabigyan ng nararapat na pagtugon.
Ngayon, ito ang 12 sa mga sintomas na maaring pagmulan ng cancer sa mga babae.
1. Pagbabago sa dibdib.
Kadalasan kapag may napapansin na lump o bukol sa dibdib ng isang babae ay hindi ibig sabihin, cancerous na agad ito. Pero maigi na magpakonsulta agad sa doktor para mabigyan ng sapat na atensyon. At kapag nakakaranas ng discharge sa kanyang nipple ang isang babae, pamumula o kaya naman lumulubog ang nipple, magpakonsulta na agad sa doktor.
2. Paglaki o pamamaga ng tiyan(bloating).
Sabi ni Marleen Myers, isang oncologist sa NYU Langone Medical Center - ang bloating ay normal na nangyayari sa mga babae. Pero ang madalas na pagiging bloated ay isang sintomas ng pagkakaroon ng cancer na hindi binibigyang pansin ng kababaihan. Ito ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng ovarian cancer, colon cancer, gastrointestinal cancer o kaya pancreatic cancer.
3. Pagdurugo kahit walang menstruation.
Kapag ang isang babae ay nagkakaroon ng spotting kahit malayo pa ang menstrual period, magpakonsulta na agad sa doktor. Ang bleeding na hindi parte ng menstrual cycle ay maaring resulta ng ilang seryosong bagay gaya ng endometrial cancer.
4. Pagbabago sa kuko ng paa.
Kapag napapansin ng isang babae na may maliit na kulay brown na stripe sa dulo ng mga kuko nya sa paa, ito ay maaaring sintomas ng melanoma. Kaya kung napapansin mo rin ito, magpakonsulta ka agad sa doktor para masigurado at maiwasan mo ang pagkakaroon ng melanoma.
5. Dugo kasama ng ihi at dumi.
Kadalasan, ang dugo na kasama sa pag-ihi at pagdumi ay maaring senyales ng hemorrhoids o almoranas. Pero minsan, maari rin itong maging sintomas ng pagkakaroon ng colon cancer. Kaya kung nararanasan mo ang sintomas na ito ng dalawang araw o higit, magpakonsulta ka na sa doktor.
6. Pagbabago sa lymph nodes.
Madalas nagbabago ang lymph nodes kapag nagkakaroon ng infection. Ang infection na'to ay hindi mapanganib at natataboy naman ng ating immune system. Pero sa ilang pagkakataon, ang pamamaga ng lymph nodes ay maaring dahil sa pagkakaroon ng leukemia at lymphoma. Kaya kapag ang pamamaga ay nagtatagal at umaabot na ng isang buwan, magpakonsulta ka na agad sa doktor.
7. Hindi makalunok.
Natural lang naman na minsan nahihirapan tayo lumunok. Pero kapag nadadalas na at may kasamang pagsusuka at pagbagsak ng timbang, maaring sintomas ito ng throat o kaya stomach cancer. Kapag naranasan mo ito ng mga dalawang linggo, magpakonsulta ka na agad sa doktor at magpa-examine.
8. Biglaang pagbagsak ng timbang.
Kung pansin mo na wala ka namang binago sa diet mo at exercise pero biglang bumagsak ang timbang mo, magpacheck up ka na agad sa doktor para habang maaga malaman mo na agad ang tunay na dahilan nito.
9. Heartburn.
Ang heartburn ay madalas na resulta ng sobrang pagkain at pag-iinum ng alak pero kusa rin naman lilipas. Kapag hindi ito nawala at lumalala, ito ay maaring sintomas ng throat, stomach o kaya ovarian cancer. At ang madalas na pagkakaroon nito ay maaring makasira sa lining ng esophagus na maaring pagmulan ng throat cancer.
10. Pagbabago sa bibig.
Kapag ang babae ay naninigarilyo, tandaan kung may kulay yellow, puti o gray patches sa loob ng bibig. Dahil maaari itong humantong sa cancer sores o kaya oral cancer.
11. Pagkakaroon ng lagnat.
Kapag nakakaranas ng trangkaso ang isang babae, maari silang magkaroon ng lagnat ng ilang araw. Pero kapag hindi nawawala ang lagnat, marami ang maaring pinagmulan nito tulad ng leukemia o cancer sa dugo. Kaya kung matagal ka ng nakakaranas ng lagnat at hindi mo alam kung paano ito nagsimula, magpakonsulta ka na agad sa doktor.
12. Ubo.
Ang ubo ay normal at kusang nawawala sa loob ng apat na linggo. Pero kapag tumagal ng higit pa sa isang buwan, hindi na ito dapat pang balewalain. Lalo na kapag naninigarilyo ka at madalas ng hingalin, magpakonsulta ka na agad sa doktor. Ito ay maaaring sintomas ng pagkakaroon ng lung cancer.
Ngayong alam mo na ang ilang sintomas ng cancer na madalas binabalewala ng kababaihan, siguraduhin na magpatingin sa isang oncologist o specialist kapag nararamdaman mong may mga pagbabago sa katawan mo.
Kapag alam mo at meron kang healthy lifestyle pero nararamdaman mo ang mga pagbabagong ito sa katawan mo, bigyan mo agad ito ng pansin para mapaghandaan at maiwasan ang paglala.
Pero kung hindi ka active at hindi mo binabantayan ang mga kinakain mo, kailangan mo na itong pagtuunan ng pansin sa ngayon at magkaroon ng ilang pagbabago sa lifestyle. Dapat magkaroon ka ng exercise regimen, iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak at pagtuunan ng pansin ang dapat na kinakain. Magpakonsulta sa doktor para malaman ang mga dapat gawin.
Maraming pang mga senyales at sintomas na hindi binibigyang pansin ng mga babae. Kapag naranasan mo ang ilan sa mga naka-post dito, wag ka muna mag-panic. Kadalasan, hindi naman ibig sabihin na cancer agad. Pero mas mabuting bigyan mo lang ito ng pansin at tamang aksyon kapag nararanasan mo ang mga sintomas na ito.
28 comments
hello po magandang araw, magtatanong lang po ako.. kasi dati sumasakit kasi ang soso ko kapag malapit na na ang period ko.. ok lang po ba yon? tapos ngayon kahit tapos na ang period ko may kunting kirot parin po. ngayon lang ito nanhyari.. sana po masagot ang mga katanungan ko.. salamat po
Hello po ano po kaya itong nararamdaman ko isang buwan na po halos na parang di ako nawawalan ng plema sa lalamunan ko.
At nilalabasan ako sa pwerta ko ng yellowmens at pagtapos naman ng reglahin may brown discharge naman po ano po kaya nangyayare sa katawan ko . Sana po masagot .
Bakit po ang menstrayon ko po ay hindi normal minsan po sa isang buwan naqkakaroon po ako kunwari january hindi po ako naqkaroon tpos february ng first week nagkaroon ako 4days tpos february 25 to 28 naqkaroon po ulet ako tpos march naqkaroon ako pero 22 4days lanq po ulet tpos itong april first weeks naqkaroon nman po ulet ako 4days bkit po ganun prang hindi na po tama ang meanstration ko.
May kuntil po ako na maliit sa balakang. Madalas po nararamdaman ko na masakit. Ano po dapat ko gawin.
Ako may maliit na bukol sa mga ktwan k sinlaki ng monggo.ano po Kya e2