Kagaya ka rin ba ng ibang tao na hindi kumakain ng okra? Kumakain naman ng lahat ng gulay maliban lang talaga sa okra. Pagkatapos mo basahin 'to, sigurado kakain ka na ng okra. Dahil base sa isang ginawang pag-aaral, ang okra pala ay may magandang dulot para sa mga tao lalo na yung mga may diabetes.
Sa isang ulat ng Health Miracle PH, ang isang cup ng okra ay may katumbas na;
21 Grams ng Vitamin C
3 Grams ng Dietary Fiber
2 Grams ng Protein at mayroon pang 7.6 grams na carbohydrates
Batay sa report, ang mga nutrisyong ito na taglay ng okra ay malaki ang maitutulong sa mga may diabetes. Halimbawa, ang isang diabetic ay nangangailangan ng soluble fiber para ma-stabilise ang glucose o blood sugar nila.
Pero maliban sa pagiging anti-diabetes, pinapababa rin ng okra ang cholesterol level sa katawan at tumutulong rin pigilan ang pagkakaroon ng sakit sa bato.
Bukod sa mga nabanggit, may 11 bagay pa na maaaring mangyari sa katawan mo kapag kumain ka ng okra.
1. Pinapagaan ang asthma.
Subukan mo kaya huminga gamit lang ang isang maliit na straw. Ganun ang pakiramdam ng may asthma. Dahil sa taglay na Vitamin C ng okra, pinapagaan niya at pinapaluwag ang hirap sa paghinga na siya ring unang simptomas ng pagkakaroon ng asthma.
2. Tumutulong sa digestion.
Dahil sa fiber at magnesium na matatagpuan din sa okra, pinapaluwag nito ang daluyan ng ating dugo o blood vessels. Ang fiber ay may napakaimportanteng sangkap o component para regulahin at gawing normal ang panunaw ng ating tiyan. Habang ang magnesium naman ay tumutulong sa circulation ng ating dugo.
3. Mayaman sa Vitamin K.
Ang okra ay mayaman din sa Vitamin K na nakakatulong para palakasin ang mga buto sa ating katawan. Dahil dito, ang okra ay maari ring pang-iwas sa pagkakaroon ng osteoporosis.
4.Tumutulong sa inflammation sa lungs.
May taglay rin na phytochemicals ang okra o nutrients na kilala bilang antioxidant na mabisang panlaban sa mga inflammation lalo na sa inflammation sa lungs o baga.
5. Panlaban sa soar throat.
Ang soar throat ay isang kondisyon kung saan ang lalamunan ng tao ay nagkakaroon ng infection na nagreresulta sa pagiging hirap sa paglunok. Ang antiseptic at antibacterial effect ng okra ay nakakatulong para mawala ang soar throat.
6. Proteksyon sa masamang epekto ng sobrang araw.
Ang moisturizing effect ng okra ay mabisang proteksyon sa sunburn at iwasan kahit ang stroke.
7. Iwas ubo at lagnat.
Ang antiseptic properties ng okra ay tumutulong para iwasan ang ubo at lagnat. Ang antioxidant at phytochemicals naman ay nakakatulong para maiwasan ang iba pang sakit na maaring kasabay nito.
8. Iwas scurvy.
Maliban sa taglay na Vitamin A, ang vitamin C sa okra ay pumipigil sa inflammation at infection sa oral health. Kaya gaya ng ibang prutas na mayaman sa vitamin C, ang okra ay tumutulong para maiwasan ang scurvy.
9. Kaagapay sa ligtas na pagbubuntis.
Ang okra ay meron ding taglay na folate. Meron itong 22% ng RDA sa kada 100 grams na serving ng okra. Ang regular na pagkonsumo ng folate ay nakakatulong sa development ng fetus at iwasan ang neural tube defects at iba pang abnormalities na maaring makuha ng sanggol.
10. Pampalakas ng buto.
Ang calcium at vitamin K na nasa okra ay tumutulong para palakasin o patibayin ang ating buto.
11. Panlaban sa pimples at acne.
Simula pa sa panahon ni Cleopatra sa Egypt, ang okra ay ginagamit na para magkaroon ng healthy skin. Dahil sa antibacterial effect ng okra, tumutulong ito para mapababa ang acne bacteria at inflammation sa balat lalo na sa mukha.
Kaya sabi ng mga eksperto, ugaliin na ang pagkain ng okra dahil hindi mo alam na ang maliit na gulay na'to ay may malaking maitutulong para sa iyong kalusugan.
6 comments
Super maganda sa katawan ang okra. Almost 1month na ako nagsuffer sa sakit ng paa ko
Kada gising sa umaga.para kcng d makadaloy ng maayos ang dugo
Ko kapag tumatayo na ako. I’m taking my medicine for almost 2weeks already pero pabalik2 lng ang sakit.
Kagabe kumain ako ng apat na piraso ng okra.d ko alam ang
Mga benefits nito.
Paggising ko ngaung umaga nagtaka ako d na masakit paa ko? Napaisip ako bigla,bakit kaya? Tapos biglang sumagi sa isip ko okra , okra lng naman kinain ko kagabe. Kaya search ko agad ang benefits nito. Kaya pala kc ang okra ay nag papalawak ito sa daluyan ng ating dugo o blood vessels😱😍.amazing,isn’t it? Ang saya2 ko. tsaka ang dami nyang benefits,kaya simula ngaun everyday na ako kakain ng okra😍🤗😇