May dalawang uri ng diabetes. Ang type 1 diabetes na madalas mangyari sa mga bata at type 2 diabetes naman sa matatanda. Ang type 1 diabetes ay ang pagkakaroon ng antibodies na sumisira sa mga cells ng lapay habang ang type 2 diabetes naman ay ang paghina mismo ng lapay kung saan nahihirapan na itong gumawa ng sapat na insulin para sa buong katawan.
Ayon kay Dra. Ma. Victoria Pilares-Cruz, maliban sa kawalan ng ehersisyo at maling pagkain, isa pang tinuturong dahilan ng pagkakaroon ng diabetes ay yung tinatawag na genetic factor o namamana. Kaya kung merong nakakatanda sa inyo na may diabetes, kailangan rin talaga bantayan ng ibang miyembro ng pamilya dahil maari din silang magkaroon nito.
Ngunit ano nga ba talaga ang tunay na pinagmulan ng pagkakaroon ng Diabetes?
Siguro di ka maniniwala pero kung magpapa-check ka ng blood sugar mo tapos halimbawa ang lumabas ay 250 hindi ibig sabihin nun may diabetes ka na agad. Yung iba nga naglalakad lang dyan sa tabi na may blood sugar na umaabot ng 300 pero wala namang diabetes. Sa tingin mo, posible ba yun? Yes! Ang dahilan nun ay inflammation.
Di ka ba nagtataka bakit ang mga taong may diabetes ay may mas mataas na chance na magkaroon ng heart disease, heart attack, cancer, high cholesterol, pagkabulag, arthritis at neuropathy? Dahil pa rin sa inflammation.
Sa isang pag-aaral na isinagawa sa University of California noong February 2015, napag-alaman ng mga scientists at researchers na ang dahilan pala ng pagkakaroon ng diabetes ay inflammation. Nadiskubre nila ang isang inflammatory molecule na tinatawag nilang LTB4 na siyang dahilan ng pagkakaroon ng insulin resistance. Ang resulta, mataas na blood sugar na maaring matuloy sa pagkakaroon ng diabetes.
Ito yung rason kung bakit ang pagpapagamot mo para pababain ang blood sugar mo at ang pag e-inject ng insulin ay hindi nakakatulong para gumaling ka mula sa diabetes. Kasi ang ginagamot mo ay ang mga sintomas lamang. Hindi ang mismong pinag-ugatan ng sakit.
Ayon pa rin kay Dra. Pilares-Cruz, may tatlong sintomas ang pagkakaroon ng diabetes o yung tinatawag na tatlong P.
- Polydipsia o labis na pagka-uhaw
- Polyuria o madalas na pag-ihi
- Polyphagia o sobrang pagkagutom
Maari rin aniyang sintomas ng diabetes ang panghihina. Ngunit babala rin niya, may diabetes din na asymptomatic o walang nakikitang sintomas.
Kaya para maiwasan ang diabetes, siguraduhin ang pag eehersisyo at laging kumain ng tama.
Payo pa ni Dra. Pilares-Cruz, ang tamang pagkain ay binubuo ng kalahating plato ng fiber tulad ng gulay, 1/4 na protein at 1/4 na carbohydrates. Dapat rin aniya iwasan ang mga pagkain may mataas na glycemic index.
Kaya ngayon, iisa-isahin din natin ang 10 klase ng pagkain na maaring maging dahilan ng pagkakaroon at nakakasama sa mga taong may diabetes.
1. White Rice
Ang white rice ay nakakaapekto sa ating blood sugar level dahil siksik ito sa carbohydrates na kapag nasa loob ng katawan natin ay nagiging glucose o sugar. Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Harvard researchers, ang mga taong pinakamalakas kumain ng white rice ay may 27% mas mataas na chance na magkaroon ng diabetes kesa sa iba.
Ang white rice ay wala ring taglay na sustansya tulad ng fiber at magnesium kaya ang mga taong malakas kumain ng white rice ay maaring magkulang ng fiber at magnesium sa katawan. Mainam na kumain ng brown rice kesa white rice dahil ito ay siksik sa fiber at magnesium.
2. Patatas
Ang patatas ay hindi mainam para sa mga taong may diabetes dahil maliban sa kawalan nito ng sustansiya, mataas din umano ang tinatawag na quickly absorbed carbohydrates nito at may mataas na glycemic index(GI) value.
Ibig sabihin, ang carbohydrates mula rito ay madaling nako-convert sa glucose na nakakapagpataas ng blood sugar at kadalasan dahilan ng pagkakaroon ng type 2 diabetes.
Sa isang pag-aaral na isinigawa noong 2005 ng The Journal of the American Diabetic Association, tiningnan nila ang GI value ng patatas at napag-alaman na ang mashed potatoes at nilagang patatas ay may pinakamataas na glycemic index value na nasa 85 hanggang 90. Ang baked, microwaved at roasted potatoes naman ay may GI value na 70 hanggang 80 lamang.
Ang nilagang red potato, magdamag na pagpapalamig nito sa ref at pagkain kinabukasan habang malamig ay nagreresulta lamang sa GI value na 56.
kaya kung gusto mo kumain ng pataas, piliin mo yung pula dahil sa mababang GI value nito.
3. Cake and Pastries
Ang cakes at iba pang kahalintulad na matatamis ay hindi mabuti para sa isang diabetic dahil sa mataas na sugar, sodium, junky white flour at maraming preservatives.
Ang kombinasyon ng mga nabanggit ay maaring maging dahilan ng biglaang pagtaas ng blood sugar na maaring matuloy sa inflammation na nakakaapekto naman sa regular na paggawa ng insulin.
4. Soft at Energy Drinks
Ang mga ganitong uri ng inumin ang pinaka-nakasasama para sa mga diabetic dahil sa maraming calories nito na nakakadagdag ng timbang. Kaya naman, ang mga taong overweight ay may mataas na chance ng pagkakaroon ng diabetes kumpara sa mga taong may katamtamang timbang.Para maiwasan ang pagtaas ng blood sugar at tuluyang bumaba ang timbang, mas mabuting iwasan ang pag-inom ng mga ganitong inumin.
5. French fries
Ang french fries ay puno ng starch na nakakaapekto sa pagtaas ng blood sugar levels. Dahil rin sa sobrang mantika mula rito, nakakadagdag rin ito ng timbang.Ang isang serving ng 85 grams ng french fries sa fast food ay may 33 grams ng carbohydrates at 3 grams lang ng fiber na siyang kailangan ng katawan. Ito ang pinakamalalang uri ng patatas dahil maari itong magresulta sa 21% mas mataas na chance na pagkakaroon ng diabetes kumpara sa 14% lamang mula sa ibang uri ng patatas.
6. Raisins
Ang raisins ay may laman na puro o concentrated sugar na biglaang makapagpapataas ng level ng glucose sa dugo na mas lalong magpapahamak sa taong may diabetes.
Kaya naman, mas mabuting limitahan o tuluyang iwasan ang pagkain ng raisins at kumain na lang ng mga prutas na mayaman sa fiber at vitamins at minerals.
7. White Bread
Ang white bread ay gawa sa white flour na siksik naman sa starch na isa sa pinaka nakakasama sa mga taong may diabetes. Ang refined carbohydrates mula rito ay nagdudulot ng mataas na glycemic index na makakapagpabilis ng pagtaas ng blood sugar level.Kung gusto mo kumain ng tinapay, mainam na kumain na lang ng whole grain bread na may mataas na fiber kumpara sa white bread na nakakapagpabagal naman sa pagtaas ng blood sugar level.
8. Palm Oil
Ang palm oil ay may lamang maraming saturated fats na nakapagpapataas naman ng blood cholesterol levels. Ang mataas na cholesterol sa dugo naman ay isa sa pangunahing dahilan ng atake sa puso.
Ang mga taong may diabetes ay mataas ang chance na magkaroon ng heart attack o kaya stroke. Kaya ang pag-iwas sa mga pagkaing mayaman sa saturated fats ay nanganaghulugan ng pag-iwas rin sa pagkakaroon ng atake sa puso o stroke.
Ang isang bote ng palm oil drink ay may katumbas na saturated fats ng dalawang cheeseburgers, bacon, malaking french fries at salami pizza.
9. Coffee Drinks
Ang caffeine sa kape ay nakapagpapataas ng glucose at insulin levels. Kaya naman ang mga taong diabetic ay kailangang magdahan dahan mula rito. Pwede naman uminom ng 2 to 3 cups per day pero kung nahihirapan kang kontrolin ang blood sugar mo, kailangan mo na talagang tigilan ang pag inom ng kape.10. Fruit juices
Ang mga taong may diabetes ay kailangan magdahan-dahan sa pag inom ng mga fruit juices dahil habang lumalaki o dumadami ang iniinom mo ng hindi namamalayan, maari rin tumaas ang blood sugar level mo.Ang regular na pag-inom ng mga fruit juice ay maaring magresulta sa pagkakaroon ng type 2 diabetes kumpara sa pagkonsumo ng mismong prutas at gulay.
Ang fruit juice ay wala masyadong fiber at puno ng fruit sugar na nagpapataas ng blood glucose level. Halimbawa, ang apple, orange at peras ay mayaman sa fiber pero nawawala ito kapag ginawang juice.
10 Superfoods para sa Diabetes
Beans
- Ang Kidney, Pinto, Navy at Black beans ay siksik sa vitamins at minerals na magnesium at potassium. Napakataas rin ng fiber content ng mga ito.
- Ang beans ay may taglay rin na crbohydrates. Pero ang 1/2 cup nito ay naglalaman rin ng protein na katumbas ng isang ounce ng karne na walang saturated fat.
- Para makatipid sa oras, pwede ka gumamit ng canned beans pero dapat mo muna itong e-drain at hugasan para matanggal ang sodium chloride o asin na kasama nito.
Dark Green Leafy Vegetables
- Ang spinach, collards at kale ay ilang halimbawa ng dark green leafy vegetables na siksik sa vitamins at minerals tulad ng A,C,E at K, Iron, Calcium at Potassium.
- Ang mga pagkaing ito ay mababa rin sa calories at carbohydrates. Pwede mo idagdag ang dark green leafy vegetables na'to sa mga salad, soup at stew.
Citrus Fruit
- Ang grapefruit, orange, limes at lemons, ikaw na ang bahalang pumili ay mayaman sa fiber, vitamin C, folate at potassium.
Sweet Potatoes
- Meron nga lang itong starch pero siksik rin naman sa vitamin A at fiber. Very good source din ng vitamin C at potassium.
Berries
- Ang berries ay mayaman din sa antioxidants, vitamins at fiber. Kung mahilig ka sa matatamis at may sweet tooth ka, this is for you.
- May kasama rin itong vitamin C, vitamin K, manganese, potassium at fiber.
Tomatoes
- Ang maganda sa prutas na'to, kahit paano mo pa siya lutuin o kahit kainin mo ng hilaw, mabibigyan ka ng vital nutrients tulad ng vitamin C, vitamin E at potassium.
Fish high in omega-3 fatty acid
- Ang omega-3 fats ay tumutulong para pababain ang risk ng pagkakaroon ng heart disease at inflammation.
- Ang mga isda na may mataas na healthy fats ay tinatawag na fatty fish. Ang kilalang-kilala sa lahat ay ang salmon.
- Ang iba pang uri ng fatty fish na mayaman sa omega-3 ay kinabibilangan ng herring, sardines, trout, mackerel at albacore tuna.
- Sabi ng American Diabetes Association Standards of Medical Care in Diabetes 2017 recommends eating fish( mainly fatty fish) ng dalawang beses kada linggo sa mga taong diabetic.
Nuts
- Ang isang ounce ng nuts ay malaking bagay para harangin o e-delay ang gutom. Mayaman din ito sa magnesium at fiber.
- Ang ilang uri nito gaya ng walnut at flax seeds ay mayaman sa omega-3 fatty acids.
Whole Grains
- Ang whole grains tulad ng barley ay mayaman sa vitamins at minerals tulad ng magnesium, B vitamins, chromium, iron at folate.
- May taglay rin itong fiber. Ilan pang halimbawa ng whole grains ay tulad ng whole oats, quinoa, wheat at farro.
Milk Yogurt
- Maliban sa pagkakaroon ng calcium, marami ng milk at yogurt products ang ginawang fortified at maging source rin ng vitamin D.
- Ilang pag-aaral ang naisagawa at nakitaan ng koneksyon ang vitamin D at ang kalusugan.
- Ang gatas at yogurt ay meron ding taglay na carbohydrates na kailangan rin planuhin at limitahan talaga kung ikaw ay may diabetes.
- Kaya mas mainam na maghanap ka na lang ng yogurt products na mababa sa fat at added sugar.
Barley Supplement Para Sa Diabetes
Para labanan ang diabetes, kailangan ng madalas na ehersisyo at pagkain ng mga pagkaing mayaman sa fiber, protina at healthy fats tulad ng mga pagkaing nabanggit sa itaas dahil mayaman ang mga ito at siksik sa mga bitamina at mineral na kailangan ng ating katawan.
Malaking bagay rin ang pag-inom ng supplement para pababain ang blood sugar at pigilan ang insulin resistance na siyang pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng diabetes.
Tulad ng sabi sa The Generic Pharmacy website, ang supplement na barley ay kayang panatilihin ang normal na blood sugar at pigilan ang pagtaas nito ng halos 70%. Ang maganda pa, kayang gawin ito ng barley ng pangmatagalan.
E-click ang imahe sa taas para bumili.
Ang Sante' Barley Grass Juice Powder ay 100% purong natural, walang GMO na sangkap (non-genetically modified organism), HALAL accepted, FDA approved at ISO certified kaya world-class pero abot kaya ang presyo.
Drugs treat symptoms, not diseases.
Kapag ang ginagamot natin ay ang sintomas lang ng sakit at hindi ang pinagmulan o pinag-ugatan mismo, habang-buhay tayong manggagamot. Hindi ba mas mainam kung ang pinagmulan mismo ang gamutin natin para isang beses lang tanggal agad? Maiiwasan mo rin ang complications. Lalo na ang mga may type 2 diabetes at napabayaan ay maaring humantong sa pagkakaroon ng heart disease at kidney probems.
Para maiwasan ang mga bagay na'to, kailangang bantayan palagi ng pasyente ang kanyang blood sugar, magkaroon ng balanced at healthy diet at pag-e-ehersisyo. Ang pag-inom ng oral medicine ay dapat panghuling opsyon lamang dahil nakakasama ito sa ating katawan kapag nasobrahan.
May kilala ako, si Mark. Naaksidente sa motor ang papa niya. Malubha at may mga bali sa buto na kumikirot anumang oras. Para mawala ang sakit, umiinom ang papa niya ng pain reliever. Dahil sa sobrang sakit ay napapadalas at napapadami ang pag-inom nito ng pain reliever.
Ang tanong, nagagamot ba ng pain reliever ang bali sa buto? Hindi, ang kirot lang mismo.
Ang malala, dahil sa dami ng gamot na iniinom nya para mawala ang kirot, humihina ngayon ang kidneys nito dahil sa pagsasala sa foreign substance at chemicals mula sa iniinom nitong gamot. Nahihirapan ang kidneys niya kaya imbis na salain ang mga toxins ay humahalo na ito sa dugo at nagpapataas sa creatinine level ng katawan niya. Nagkakaroon na siya ngayon ng kidney problem.
At habang tumataas ang creatinine o lason na humahalo sa dugo mula sa mga gamot na iniinom nito, mas lalong hihina ang kidney at maaring ikamatay nito. Maliban lang kapag papalitan nila ang kidney nito sa pamamagitan ng kidney transplant. Kung saan kailangan nila ng kidney donor at P1.3 million para sa buong proseso.
Kapag ba napalitan ang kidney ay OK na agad ang pasyente?
Hindi.
Oobserbahan muna ito sa loob ng 6 months kung tinanggap ba ng katawan ng pasyente ang bagong kidney. Otherwise, magkakaroon ng tinatawag na rejection kaya tatanggalin uli ang bagong kidney mula kay donor.
Ang tanong, ibabalik ba ang P1.3 million na binayad sa proseso? Ang sagot ay hindi na. Ibig sabihin, napakamahal ng bayad para sa proseso pero walang kaseguraduhan.
Kaya yung ibang may chronic kidney disease, ang ginagawa nila ay mag-dialysis. Mas mura ito at ginagawa dalawang beses sa isang linggo at may kabuuang bayad na P40,000 kada buwan.
Ang ginagawa ng dialysis ay nililinis ang dugo at ibinabalik sa katawan. Ang tanong, nagagamot ba o nare-restore ba ang kidney? Hindi pa rin.
Kaya ang pasyente habang buhay ngayong magda-dialysis sa halagang P40,000 na bayad kada buwan.
Para sakin, mas nakakatakot ang Chronic Kidney Disease kesa sa cancer at diabetes dahil dito nakasalalay na lang sa pera ang buhay mo. Kaya wag mo hayaan na ang isang sakit ay magkaroon ng komplikasyon.
Gamit tayo ng isang mas simpleng analysis. Halimbawa may lagnat ka, karamihan sa atin kapag may lagnat ay umiinom agad ng paracetamol. Ang paracetamol ay sinu-suppressed ang init sa katawan mo. In which, inakala mo na gumaling ka na. Pero ang pinagmulan ng lagnat andun parin.
The truth is, ang lagnat ay hindi sakit.
Isa itong response ng immune system para labanan ang mga foreign substance at bacterias na pumapasok sa katawan natin. At para mapatay ang mga bacteria na ito, pinapainit ng immune system ang katawan mo. Kapag uminit ang katawan mo tapos pinigilan mo sa pamamagitan ng pag-inom ng paracetamol, magkakaroon ng isa pang battle plan ang immune system mo para palabasin sa katawan mo ang toxic substance. Yun ay sa pamamagitan ng sipon.
Kapag pipigilan mo naman ito sa pamamagitan ng pag-inom ng gamot, maari na naman mag-respond ang immune system mo at bibigyan ka ngayon ng ubo dahil na-suppressed uli ang sipon at hindi napapalabas ang toxins sa ilong mo. Kapag nagsama-sama na ang mga yan, nagkakaroon ka na tuloy ngayon ng tinatawag na trangkaso. Ito ay simpleng halimbawa lang kung bakit kailangan mong malaman ang pinagmulan mismo ng sakit para gamotin.
Ngayon, paano natin ito ikukumpara sa diabetes?
Sa kasamaang palad, wala pang gamot sa diabetes. At kung may diabetes ka, habang buhay mo ng dadalhin ito. Pero ang isang taong diabetic ay maaari pa rin magkaroon ng isang normal na buhay.
Ang importante lang ay palaging bantayan ang blood sugar level at dapat nasa katamtaman lang, magkaroon ng oras para mag-ehersisyo at healthy diet.
Ang pagsasawalang-bahala at pagpapabaya ay maaring magresulta sa pagtaas ng blood sugar na maaring magdulot ng iba't ibang komplikasyon sa ugat(diabetic neuropathy), pagkasira ng kidney(diabetic nephropathy), komplikasyon sa mata(diabetic retinopathy) at heart disease o stroke.
Ngayon, alin sa mga nakalista sa taas ang kinakain mo pa rin ngayon kahit alam mo na bawal? Handa ka na ba sa maaring komplikasyon kapag pinagpatuloy mo ito?
Related Article:Alamin ang mga sintomas ng pagkakaroon ng mataas na blood sugar at paano maiiwasan magkaroon nito. Click Here. |
Kung may tanong ka pa, comment ka lang sa ibaba at gagawin ko ang lahat para masagot kita agad.
113 comments
Pwede ho ba ang diabetic sa gamot na may fructose s ingredient.
Pwede ho ba ang diabetic sa gamot na may fructose s ingredient.
May sugat po ang asawa ko sa paa. Na di po nagaling .. may family history po sla ng diabetes ..ang tagal po gumaling nung sugat nya .sguro po nainfection po sa tubig na pinanliligo nmin noon dhil amoy kalawang po tubig na pinanliligo nmin noon.ano po kayang dapat naming igamot sa paa nya
Na nunula po ang binti k at masakit may sugat po ako s kaliwang paa. Sign po b ito n mayaas n po ang diabetics k.
Last October 14 first time po tumaas sugar ko umabot 300 plus niresitahan ako ng metformin dahil dito aware na ako sa mga kinakain ko at nag ehersisyo na rin ako from 62 down 55 na po tuloy ko pa rin ba ang pag inom ng metformin?thanks po