10 Health Benefits ng Vitamin D

10 Health Benefits ng Vitamin D

Ang vitamin D ay kilala sa tawag na "sunshine vitamin" dahil madalas nakukuha natin ito sa pamamagitan ng pagpapaaraw lalo na kapag 8Am ng umaga.  Ang vitamin D ay kinokonsidera rin bilang isang uri ng hormone at nakukuha rin natin sa ilang uri lang ng isda(fatty fish), ilang uri ng mushroom, itlog at ilang fortified foods. Kaya ang pinakamadaling source lang talaga ng vitamin D at pinakakilala ay ang sa pamamagitan ng pagpapaaraw.

Pero sa panahon ngayon, 33% ng populasyon ay mas pinipiling magkulong na lang sa loob ng bahay kaya marami din ang nagkakaroon ng mababang vitamin D sa katawan.

Sa ibaba, madidiskobre at matututunan mo ang kahalagahan ng araw at vitamin D sa katawan para protektahan ang kalusugan mo.

Pinapalakas ang muscle function.

Ang kakulangan sa vitamin D ay nagreresulta sa pagbaba ng muscle mass at panghihina. Sinasabi ng mga scientist sa isang pa-aaral na ang active form ng vitamin D sa dugo (tinatawag ding vitamin D3) ay tumutulong palakasin ang ating mga paa. Ayon sa mga volunteers ng nasabing pag-aaral, naramdaman nila ang pagiging mas malakas at mas mabilis pagkatapos uminom ng vitamin d3 supplementation.

Pinapababa ang paglala  at pag-atake ng Asthma. Kapag isinama ang vitamin D sa programa laban sa asthma, maaring mapapababa nito ng 50% ang chance ng pag-atake ng asthma.

Nakakatulong sa pagpigil at gamot sa Multiple Sclerosis.

Ang MS ay isang uri ng autoimmune disease kung saan ang katawan ng tao ay hindi tumutugon o hindi akma ang response na kung saan kinakalaban niya ang sariling utak, spinal cord at optic nerves. Sinasabi sa isang pag-aaral, ang pagmaintain ng vitamin D ay nakakapagpababa ng paglala ng sakit habang pinapababa rin ang chance magkaroon nito ng 62%.

Nakakabuti rin sa kalusugan ng puso.

Hindi man kapareho ang epekto ng pag inom ng supplements na vitamin D para sa proteksyon sa puso, ang pagkakaroon ng sapat na vitamin D ay malaking bagay para pigilan ang pagkakaroon ng heart attack o kaya chronic heart failure.

Pumipigil sa ilang uri ng cancer.

Ilang pag-aaral ang nagsasabi na ang mataas na level ng vitamin D sa dugo ay pinapababa ang chance na magkaroon ng ilang uri ng cancer. Maliban dun, pinapabagal din nito ang pagkalat ng sakit at pinapababa ang mortality rate.

Panlaban sa pagkakaroon ng Alzheimer's at Parkinson's Disease.

Nung kinompara ng mga scientist ang level o dami ng vitamin D sa dugo ng mga taong may Alzheimer's at Parkinson's sa mga taong walang sakit, napag-alaman nila na ang mga may Alzheimer's o Parkinson's ay mas mababa ng 33.3% ang level ng vitamin D sa dugo.

May positibong epekto sa daan-daang genes na pumipigil sa pagkakasakit.

Nakita ng mga researchers na ang vitamin D ay may direktang nakakaapekto sa  mahigit 200 genes sa ating katawan. Ang mga genes na ito ay kinabibilangan ng IRF8 na may kinalaman sa multiple sclerosis at PTPN2 na may kinalaman sa Chron's disease at type 1 diabetes.

Pinapababa ang chance na magkaroon ng osteoporosis.

Tulad ng nabanggit ng Public Health England, mainam na lahat ng tao ay uminom ng vitamin D supplements sa taglamig para palakasin ang buto at mapigilan ang osteoporosis.

Pinapababa ang chance ng pagkamatay.

Kung pinapababa ng vitamin D ang chance ng heart failure at pinipigila ang cancer, masasabi natin na nakakatulong ito para magkaroon tayo ng mas mahabang buhay. Sabi naman ng Authority Nutrition, napag alaman nila na ang mga taong umiinom ng vitamin D supplements ay kahit papano pinapababa ang chance ng premature death ng 6%.

Nakakatulong sa pagpapababa ng timbang.

Batay sa ilang obserbasyon at pag-aaral, ang mababang level ng vitamin D ay may kinalaman sa obesity. Sa isang pag-aaral na ginanap sa loob ng 2 taon, nalaman ng mga researchers na ang vitamin D ay may kinalaman sa pagbaba ng timbang. Ito ay dahil sa resulta ng pag-aaral kung saan 83% ng mga obese na lumahok ay nagtagumpay na mapababa ang kanilang timbang.

Kaya sa mga nabanggit na benepisyo, masasabi natin na ang sapat na level ng vitamin D mula sa pagpapaaraw, pagkain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin D at high quality supplements ay napaka-importante para sa pangkalahatang kalusugan.

Back to blog

2 comments

Hello have a good day. I just want to ask if it’s can take vitamin D3 c and e in the same time?

Mary

makakatulong ba vitamin D sa covid?

jay esconde

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.