10 Habits Na Nagreresulta Sa Agarang Pagtanda

10 Habits Na Nagreresulta Sa Agarang Pagtanda

Bihira lang ang mga matandang walang wrinkles o kulubot sa mukha. Dahil lahat ng ating mga iniisip at mga ginagawa ay maaring umepekto o maging dahilan ng paglitaw ng mga kulubot at ilan pang sintomas ng maagang pagtanda. Ang mga babae lalo na, ay masyadong maingat at masilan sa mga produktong ginagamit nila sa araw-araw, partikular na para sa pangangalaga sa mukha. Kaya narito ang ilan sa mga bagay na dapat iwasan upang mapanitiling maganda at makinis ang balat at katawan.

1. Hindi paglalagay ng sunscreen o sunblock

Ang sunscreen ay ginawa upang protektahan sa matinding init ng araw ang ating mga balat. Alam natin na ang init na nagmumula sa araw ngayon ay hindi na normal, kaya naman ang paglalagay ng sunscreen ay isa sa mainam gawin upang mapanatiling bata ang ating katawan at mukha. Ang sunscreen ang nagsasala ng mga nakakasamang ultraviolet rays mula sa araw na nagdudulot ng mas maagang pagtanda ng ating mga balat. Pinoprotektahan din ng sunscreen ang ating mga balat laban sa skin cancer at sunburn.

2. Hindi paggamit ng sunglasses

Ang pagsusuot ng sunglasses ay isa sa maaring maging basihan para tawagin kang matanda. Pero ang hindi pagsusuot nito lalong lalo na ngayong panahon ng tag-init ay maaaring makaapekto sa iyong paningin. Ang radiation mula sa araw o maging sa mga digital devices ay maaaring makasira sa ating paningin. Malaking bagay ang ginagampanan ng ating mata dahil hindi lamang ito ginagamit sa paningin, ito rin ang pinaka importanteng sensory input mechanisms ng ating utak. Lahat ng ating mga nakikita ay pinoproseso nito upang mas lalo nating maintindihan ang ating mga nakikita o binabasa.

3. Pagbibilad sa araw (Tanning)

Ang labis na pagpapaaraw ay maaaring magdulot ng pagkasira ng ating balat. Sa kadahilanang ito ang nagiging pangunahing sanhi ng pagkulubot ng ating balat at ang nakakatakot pa, ang pagkakaroon ng skin cancer dahil dito. Ang pagkakaroon ng mga pulang pantal na tinatawag na actinic keratosis ay isa sa mga pangunahing palatandaan ng pagkakaroon ng skin cancer. Kapag nabibilad tayo sa araw, nababawasan ang moisture ng ating balat at nababawasan din ang collagen. Kaya kung sa tingin ninyo may magandang epekto ang pagbibilad sa araw, wag sana sumobra dahil dinadagdagan lamang nito ang mga wrinkles o kulubot sa ating katawan.

4. Pag inom ng alcohol at paninigarilyo

Ang paninigarilyo ay isa sa mga kinahihiligang gawain bilang pampalipas oras natin. Pero hindi niyo ba alam na ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng agarang pagkamatay ng mga Pilipino ngayon? Ang nicotine ng sigarilyo ay may napakaraming epekto sa ating katawan tulad ng mabilis na pagtanda ng mukha at balat, pagsisikip ng mga daluyan ng ating dugo at higit sa lahat pagkakaroon ng cancer sa baga at atay. Upang healthy at glowing ang ating balat, mas makakabuti ang pag-iwas sa alcohol at inuming may caffeine dahil nauuwi ito sa dehydration at panunuyo ng balat.

5. Pagtulog

Ayon sa mga eksperto, ang hindi tamang posisyon sa pagtulog ay may malaking papel na ginagampanan upang maiwasan ang maagang pagtanda. Sa pamamagitan kasi ng pagtulog, nagagawang ayusin at mag-regenerate ang mga nasirang “cells” sa ating katawan. Kaya hindi lang tinatawag na quiet stage ng ating katawan ang pagtulog kundi ito ay restorative.

6. Hindi pag-alis ng make-up o paglilinis ng mukha bago matulog

Ang hindi pag-aalis ng make-up bago matulog ay maaaring maging isa sa sanhi ng pagtanda ng ating balat. Ang mga produktong pampaganda ay nag-iiwan ng mga toxins na nanunuot sa ating balat at siyang sumisira sa collagen at elastin component ng ating balat. Kaya ugaliing maglinis ng mukha bago matulog ng sa gayon, hindi masira ang ating balat.

7. Sobrang paggamit ng cellphone

Ang sobrang paggamit ng cellphone ay isa sa itinuturing ng World Health Organization na pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng tumor sa utak. Ang radio frequency radiation ay isa sa maaring magpahina ng ating utak na maaaring humantong sa mas malalang kalagayan. Kaya kailangan maging maingat tayo sa paggamit ng ating mga cellphone lalo na kung palagi nalang tayong nakayuko o sobrang haba ng oras sa pag-upo habang ginagamit ito.

8. Pagkain ng matatamis

Sa ating panahon ngayon, usong uso na ang mga instant na pagkain tulad ng may maraming asin, taba at asukal na nakakasama sa ating katawan. Ang sobrang asukal ay isa sa pwedeng makasira sa katawan at nagpapahina ng ating immune system. Sinisira nito ang elastin at collagen na nagpapaganda at nagpapalusog ng ating balat.

9. Pag-inom gamit ang straw

Ang madalas na paggamit ng straw ay hindi lamang nakakasama sa ating kapaligiran ngunit ito rin ay maaaring makasama sa ating kalusugan. Ang kadalasang paggamit ng straw ay maaaring dahilan sa pagkulubot ng balat ng ating mga bibig katulad ng mga taong naninigarilyo.

10. Pagkimkim ng galit at sama ng loob
Ang pagiging galit ay normal na nararamdaman ng isang tao, ngunit ang sobrang galit ay hindi maganda para sa ating kalusugan. Kapag lagi kang nagagalit, tumataas ang posibilidad na magkaroon ka ng stroke, humihina ang iyong immune system, sakit sa puso, pagiging bagabag, pagiging depress at nakapagpapahina ng paghinga at baga. Ang mga taong hindi rin marunong mag smile o yung mga seryoso ang mas madaling tumanda dahil mas madali silang nagkaka wrinkles dahil palaging nakakunot ang kanilang mukha.

Ngayon, ilan sa mga ito ang ginagawa o kaya binalewala mo?

Comment ka rin sa ibaba at pipilitin kong sagutin kita agad.

Back to blog

2 comments

Ung di ko ginagawa ung number 4, at 7, now kung tumaba man ako iba ung pagtaba ng muka ko my kasama syang pamamaga, minsan hinihingal rin ako

Marivic

Pwede po ba ako kumain ng mga mani, saging, na saba at kmaote.. mga puto o suman pwede po ba sa akin un o mga sea food na may CKD stage 4 at anong pwedeng po frutas sa na dapat king kainin… Mga tinapay po ba anong pwede sa akin mga cup cake pwede po ba at biscuit sana po msagot nyo.po ako…

Emilly A Escala

Leave a comment

Please note, comments need to be approved before they are published.