Ang diabetes ay isang uri ng sakit kung saan ang pancreas ng isang tao ay hindi na gumagawa o nagpo-produce ng tamang dami ng hormone na insulin sa ating katawan. Ang resulta, ang blood glucose o sugar ay nananatili at naiipon sa dugo imbis na ma-absorb ng cells sa ating katawan para maging source of energy. Panoorin ang video sa ibaba.
May 2 uri ang diabetes, ang Type 1 Diabetes at Type 2 Diabetes. Ang type 1 diabetes ay nangyayari kapag ang katawan natin ay walang napo-produce na insulin. Tinatawag din itong juvenile diabetes dahil madalas mangyari ito sa mga bata at teenagers. Pero minsan, nagkakaroon din nito ang ilang matatanda.
Ang type 2 diabetes naman ay kapag ang katawan natin ay hindi nakakapag-produce ng sapat na insulin para sa katawan. Madalas naman ito mangyari sa mga nakakatanda. Dati inakala ng mga doktor na sa mga matanda lang ito nangyayari at hindi sa mga bata. Pero dahil sa tumataas na kaso ng type 2 diabetes sa mga bata ngayon, napag-alaman na maari rin palang magka type 2 diabetes ang isang bata.
Ang kadalasang dahilan naman dito ay ang pagiging less active ng bata at pagiging obese o labis na pagtaba. Lalo na sa panahon ngayon na wala na masyado physical interaction ang mga bata at nakatutok na lang sa cellphone at iba pang gadgets at palaging nasa loob lang ng bahay.
Ang prediabetes sa kabilang banda ay ang pagtaas ng blood sugar ng higit sa normal na bilang nito pero mababa para tawaging diabetes. Ito ay maari at mataas ang chance na ma-develop at matuloy sa pagkakaroon ng type 2 diabetes. Ang good news lang, kapag prediabetic ka pa ay maari mo pa maiwasan at mapigilan ang pagkakaroon ng type 2 diabetes sa pamamagitan ng ilang pagbabago sa lifestyle mo ngayon. Ilan dito ay ang pagkakaroon ng healthy diet, pagpapanatili sa tamang timbang at madalas na pag- exercise o pagkakaroon ng physical activity.
Diabetes Symptoms
Kung dati napag-usapan natin ang ilang mga sintomas ng mataas na blood sugar, alamin naman natin kung anu-ano ang mga sintomas ng diabetes. Ang mga sintomas na ito ay iba-iba depende sa taong nakakaranas ng mga ito. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- sobrang pagkagutom
- sobrang pagkauhaw
- madalas na pag-ihi
- hindi maipaliwanag na pagbagsak ng timbang
- malabong paningin
- sobrang pagkapagod
- matagal maghilom na mga sugat
- tuyo at nangangating balat
- pamamanhid ng mga kamay at paa
- pabalik-balik na skin, gum, bladder at yeast infection
Ang mga taong may type 2 diabetes ay makikitaan din ng senyales ng insulin resistance. Ilan sa mga senyales nito ay ang pangingitim sa likod ng leeg o batok at kilikili, high blood pressure, cholesterol problems, yeast infections at ang pagkakaroon ng irregular na menstruation sa mga kababaihan.
Ang may type 2 diabetes ay nakikitaan din ng mga ganitong sintomas
- napapadalas na pagkahilo at pagsusuka
- malalim at mabilis na paghinga
- amoy nail polish remover na hininga
- panghihina, pagkahilo, panginginig at pagkalito
- uncoordinated muscle movement
Kapag ang diabetes ay pinabayaan, tataas ng tataas ang blood sugar. Kapag nangyari 'to, ilan sa mga sintomas nito ay ang hirap sa paghinga, pananakit sa may bandang tiyan, pagsusuka, dehydration, coma at pagkamatay.
Diabetes Causes
Ano nga ba ang dahilan ng diabetes?
Sa Type 1 Diabetes, ang katawan mismo ay hindi nakakagawa ng sariling insulin dahil ang immune system mismo ng katawan ang umaatake sa cells sa pancreas na gumagawa nito. Hanggang ngayon, hindi sure ang mga doktor kung bakit nangyayari ang ganito.
Sa Type 2 Diabetes, ang mga pagkain na kinakain natin at natutunaw sa katawan natin ay nagiging glucose. Isang uri ng sugar. Sa pamamagitan ng hormone na insulin na ginagawa ng pancreas natin, dini-distribute nila ito ngayon sa mga cells sa ating katawan para maging energy.
Kapag may type 2 diabetes ka, nanghihina na ang pancreas mo kaya hindi na nakakagawa ng sapat na insulin para sa buong katawan o kaya ang mga cells sa katawan mo ay hindi nagagamit ng tama ang insulin. Ang resulta, naiipon ang sugar sa dugo.
Ang sobrang sugar sa dugo ay maaring magresulta sa pagkakaroon ng ilang serious health problems na makakaapekto sa blood vessels, nerves, sa mata, puso at kidney.
Ilan rin na factors o may kinalaman o maaring maging dahilan sa pagkakaroon ng type 2 diabetes ay ang mga sumusunod:
- Mabigat na timbang. Ang labis na pagtaba ay ang pinaka-pangunahing dahilan sa pagkakaroon ng type 2 diabetes. Dahil habang tumataba o bumibigat ang isang tao, mas nagiging insulin resistant ang katawan nito. Kaya kung mataba ka, kailangan mong magpatingin sa doktor para malaman mo ang tunay na dahilan nito. Ang pag-exercise at pagkakaroon ng low-fat diet gaya ng Keto Diet ay makakatulong para mapababa ang timbang at mapanatili ito.
- Edad. Ang tsansa na magkaroon ng type 2 diabetes ay nasa pagitan ng edad na 45 at pataas. Hindi mo man mapipigilan ang edad, marami ka namang maaring gawin para maiwasang magkaroon ng type 2 diabetes.
- May kinalaman sa pamilya. Napakahalagang malaman mo at malaman ng doktor mo kung may miyembro kayo sa pamilya na diabetic. Mataas rin ang tsansa mo na magkaroon ng diabetes kapag ang ama, ina at mga kapatid mo ay mayroong diabetes. Ipaalam ito sa iyong doktor.
- Pagbubuntis. Ang Gestational Diabetes ay nangyayari sa mga buntis. Pero kahit nawawala ito pagkatapos manganak ng isang babae, may tsansa pa rin magkaroon ng type 2 diabetes ang isang babae pagkalipas ng 15 years. Pero kahit ang isang babae ay hindi nagkaroon nito pero nung nanganak ay lumampas ng 9 pounds ang bigat ng bata ay maari pa rin silang magkaroon ng type 2 diabetes sa pagdaan ng panahon.
- PolyCystic Ovary Syndrome (PCOS). Ito ay nangyayari kapag nagkaroon ng imbalance sa hormone levels sa katawan ng babae kung saan may namumuong cyst sa ovaries nito. Ang mga babaeng may PCOS ay mataas rin ang tsansa na magkaroon ng Type 2 Diabetes.
- Paninigarilyo at pag-inom ng alak. Ang paninigarilyo at pag-inom din ng alak ay maaaring magresulta sa pagkakaroon ng type 2 diabetes kaya mariin na paalala ng doktor na tigilan o iwasan ang mga bagay na ito. Pwedeng uminom ng alak pero dapat may kasamang tamang pagkain at dapat limitado lang sa 1 serving araw-araw. Ang isang serving ay maaring 4 ounces ng wine, 12 ounces ng beer at 1.5 ounce ng hard liquor.
Ang risk ng pagkakaroon ng type 2 diabetes ay nakadepende sa factors na nabanggit sa taas na maaring meron ka o ginagawa mo. Kung meron kang isa o dalawang risk factor na nabanggit sa taas, makipag-usap ka na agad sa iyong doktor para maiwasan ang magkaroon ng type 2 diabetes.
Pagkatapos ka ma-examine, mapag-usapan ang mga sintomas at tingnan ang health history mo, maari kang bigyan ng test ng doktor kung sa tingin niya ay mayroon kang diabetes o prone ka sa pagkakaroon nito.
Diabetes Diagnosis
Para ma-check kung may diabetes ka, ito ang ilan sa mga maaring gawin ng doktor.
- Fasting blood sugar test. Ito ay kadalasan ginagawa pagkatapos mag-fasting ng 8 oras o hindi pagkain o pag inom sa loob ng walong oras maliban lang sa pag inom ng tubig. Ang blood test na ito ay ang pag e-inject sa braso para kumuha ng sample ng dugo para ipa-lab test. Kapag ang blood sugar level ay 126 milligrams per deciliter (mg/dL) o mas mataas, maaring ulitin ng doktor ang prosesong ito. Usually kapag inulit ito at ganun pa rin ang resulta, ibig sabihin nito ay diabetic o may diabetes ang pasyente
- Oral glucose tolerance test. Sa test na'to, papainunim ang pasyente ng 75 grams ng glucose na naka-dissolve sa tubig. Pagkatapos ng 2 oras, susukatin ng doktor o nurse ang amount ng glucose sa dugo. Ang blood sugar level na 200 mg/dL o mas mataas ay palatandaan ng pagkakaroon ng diabetes.
- Random blood sugar test. Sa test na'to, sinusukat ang level ng glucose sa dugo ng pasyente kahit anong oras, may kain man ang pasyente o wala. Kasabay ng pinagsamang sintomas na nararanasan ng pastente at blood sugar level na 200 mg/dL o mas mataas ay palatandaan rin ng pagkakaroon ng diabetes ng pasyente.
- A1C blood test. Ang test na'to ay nakadepende sa average na blood sugar level ng pasyente sa loob ng nakalipas na tatlong buwan(3 months). Ang basehan nito ay percentage. Ang normal na A1C level ay mababa sa 5.7 percent. Kapag mas mataas dito, ibig sabihin mataas din sa normal ang blood sugar ng pasyente. Kapag umabot ng 6.5 percent at pataas, nangangahulugan ito ng pagkakaroon ng diabetes. At ang pagitan ng 5.7 hanggang 6.4 percent ay nangangahulugan lamang ng pagkakaroon ng prediabetes.
Diabetes Prevention
Kailangan mo magpakonsulta sa doktor para mapag-usapan ang tungkol sa risk factors mo sa pagkakaroon ng diabetes. At kahit di mo man mabago ang lahat ng iyon, at least maari mong mapababa ang tsansa na magkaroon ka ng diabetes.
- Exercise at Tamang Timbang. Ang pag-ehersisyo at pagpapanatili sa tamang timbang ay malalaking bagay para maiwasan ang pagkakaroon ng diabetes. Kahit hindi ka gaano nag e-exercise, mas mabuti pa rin ito kaysa wala kang ginagawa. Ang simpleng brisk walking ay isang mainam na maari mong gawin. Imbis na sumakay sa escalator sa mga mall, maari ka gumamit ng hagdan paminsan-minsan. Maari ka mag-exercise ng 30-60 minutes 3 beses isang linggo pero mas mainam na ikonsulta muna sa doktor para malaman ang tamang gawin.
- Diet. Ang diet na mayroong mataas na fat, calories at cholesterol ay nakakapagpataas ng tsansang magkaroon ng diabetes. Ang pagpapabaya sa pagkain o dyeta ay maaring magresulta sa pagkakaroon ng labis na pagtaba o di makontrol na pagdagdag ng timbang at iba pang komplikasyon sa hinaharap. Ang mga bagay na ito ay nakakadagdag sa tsansa na magkaroon ka ng diabetes. Ang healthy diet ay naglalaman ng mataas na fiber, mababang amount ng fat, cholesterol, asin at sugar. Dapat mo rin bantayan ang dami ng kinakain mo. Kumbaga, how much you eat is as important as what you eat.
Diabetes Treatment
Kahit hindi nagagamot ang diabetes, pwede pa rin naman magkaroon ng mahaba at healthy life ang pasyenteng may diabetes. Ang pinakaimportanteng bagay lang ay dapat makontrol ng tama palagi ang blood sugar level nito. Maari itong gawin sa pamamagitan ng pagkain ng tama, pagkakaroon at pagpapanatili ng tamang timbang at kung kailangan, pag-inom ng gamot at pag e-insulin.
- Diet. Napakaimportante na ang diet mo ay naglalaman ng tinatawag na complex carbohydrates gaya ng whole grains, mga prutas at gulay. Mahalaga rin na kumain ng tatlong beses kada araw at walang laktaw at palaging nasa oras para mapapanatili ang insulin at blood sugar level sa normal at permanente. Iwasan ang mga empty calories tulad ng mga pagkaing mayaman sa sugar, fat at alcohol.
- Exercise. Ang ehersisyo ay nakakatulong sa katawan mo na gamitin ang insulin at mapababa ang blood sugar level. Nakakatulong rin ito sa pagkontrol ng timbang, karagdagang lakas at sa pangkalahatang kalusugan. Mabuti rin ito sa puso, cholesterol level, blood pressure at timbang. Ang mga ito ay may kinalaman kung gusto mo iwasan ang pagkakaroon ng atake sa puso at stroke. Makipag-usap sa doktor kung gusto mo magkaroon ng exercise program.
- Pagpapanatili sa tamang timbang. Ang pagbabawas ng sobrang timbang at pagpapanatili nito sa tama ay makakatulong sayo sa dalawang bagay. Dahil una, nagagamit ng wasto ang insulin sa katawan at pangalawa, napapababa ang blood sugar na maaring humantong sa pagkakaroon ng heart disease.
- Pag-inom ng gamot. Kapag ang diabetes mo ay hindi na kayang kontrolin ng simpleng diet lang, exercise at weight control, maaring erekomenda ng doktor mo ang pag inom ng gamot o kaya insulin. Kadalasan sa mga taong may type 2 diabetes ay nagsimula sa pag-take ng oral medicine. Ang oral medicines na'to ay tumutulong sa katawan mo mag-produce ng mas maraming insulin. Yung iba naman gumagamit ng insulin injections, insulin pens o kaya insulin pumps. Dapat rin sundin ang pag-inom sa reseta ng doktor. Ang oral medicine ay hindi gumagana o hindi para sa lahat. Lalo na sa mga may type 1 diabetes. Ang kailangan nila at ng ilang may type 2 diabetes ay Insulin Therapy. Kung kailangan nila ng insulin, kailangan nila magpa-insulin shot na maaring gamitan ng syringe o kaya insulin pens. Ang doktor mismo ang magtuturo kung paano gawin ito at bakit.
Maaring e-test ng doktor ang blood sugar ng pasyente kada 3 months sa pamamagitan ng A1C test. Per pwede mo rin e-check ang blood sugar mo sa bahay kahit anong oras mo gusto sa pamamagitan ng paggamit ng blood glucose monitor.
Kapag mababa ang sugar mo sa dugo, makaka-experience ka ng sobrang pagkapagod o pagkahapo, problema sa muscle coordination, pagpapawis, hirap sa pag-iisip at pagsasalita, pagkahilo, pamumutla, kawalan ng malay o kaya pagkakaroon ng seizure.
Kung sa tingin mo ay unti- unti mong nararamdaman ang mga sintomas na'to, kumain o uminom ka agad ng kahit na anong makakapagpataas ng blood sugar mo gaya ng candy, juice, gatas o kaya raisins. Kapag wala ka pa ring nararamdamang pagbabago sa loob ng 15 minuto, kumain ka uli ng pagkaing makakapagpataas ng blood sugar mo. Dapat lagi kang may dalang ganitong mga pagkain.
Hindi mo rin pala malalaman ang blood sugar mo kung hindi mo e-test. Pero minsan, maari kang makaramdam ng mga sintomas tulad ng madalas o paulit ulit na pag ihi, sobrang uhaw, malabong paningin at pagkapagod. Meron ding mga dahilan ng pagtaas ng blood sugar na walang kinalaman sa kinakain mo. Ilan sa mga ito ay sobrang pagkain, sakit, hormonal changes at stress. O kaya maaring nakalimutan mo mag-insulin.
Kapag sobrang taas naman ng blood sugar level mo at nag-take ka ng insulin, maaring kailanganin mo ng extra dose of rapid or short-acting insulin para mapabalik sa normal ang insulin level mo. Ang doktor mo na mismo ang magsasabi kung ilan ang dami ng insulin na kailangan mo para mapababa ang blood sugar level mo.
Diabetes Complications
Kung may diabetes ka man ngayon, maaari ka pa rin naman magkaroon ng normal na buhay sa pamamagitan ng tamang pagkontrol ng diabetes mo. Ang kailangan mo lang bantayan ay ang diet mo, timbang, exercise at regular na pag-inom ng gamot. Dahil kapag hindi mo ma-kontrol ang diabetes mo, tataas ng taas ang blood sugar mo. Ito ay maaaring humanton sa mas malalang kondisyon tulad ng heart disease at pagkasira ng nerves at kidneys o yung tinatawag natin na diabetes complications.
- Diabetic Neuropathy (nerve damage). Dito mahihirapan ang mga nerves mo sa pagpapadala ng mensahe papunta sa utak at sa ibang parte ng katawan. Maari ka makakaranas ng pananakit, pamamanhid at minsan parang burning feeling. Ang neuropathy ay madalas nakakaapekto sa mga binti at paa. Maaring hindi ka makakaramdam ng pananakit sa mga bahaging ito at kapag naging infected ito, maaring humantong sa pagputol sa parteng ito ng katawan. Ang neuropathy ay maari ring maging dahilan ng erectile dysfunction sa mga kalalakihan at vaginal dryness naman sa mga kababaihan.
- Diabetic Retinopathy (eye problems). Ito ay nakakaapekto sa parte ng mata na tinatawag na retina. Ito ang parte ng mata na napaka sensitive sa ilaw at nagdadala ng mensahe (o nakikita) papunta sa utak. Ang diabetes ay nagpapahina at sumisira sa maliliit na blood vessels sa retina ng mata. Kapag nasira ang mga blood vessels na ito, lalabas ang mga fluids mula rito at maaaring maging dahilan ng pamamaga sa macula. Ang macula naman ay parte ng retina na nagbibigay ng malinaw na pananaw o vision na maaring lumabo dahil dito at magpapahirap lalo sa pasyente. Kapag lumala pa, maari itong maging dahilan ng pagkabulag. Kapag maagang nabantayan, maaring maagapan ito sa pamamagitan ng laser surgery. Ang mga taong may diabetes ay dapat magkaroon ng eye exam isang beses kada taon. Kapag nakakaranas ka ng panlalabo ng mata sa loob ng 2 araw o kaya walang makita ang isang mata o ang dalawang mata, o kaya kapag may nakita kang itim o gray parts na gumagalaw at nakaharang sa paningin mo o yung tinatawag na floaters, flashing lights at pananakit ng mata, magpatingin na agad sa doktor.
- Diabetic Nephropathy (kidney damage). Ito ay dahil sa pagkasira naman ng blood vessels sa kidney kung saan nahihirapan ang kidneys na sala-in o e-filter ang toxic substance o lason mula sa kinakain natin. Ilan sa mga taong nagkaroon ng nephropathy ay kailangang dumaan sa dialysis o kaya kidney transplant. Mas mataas ang chance magkaroon nito ang isang taong may diabetes at may high blood pressure kaya napaka-importante rin na bantayan ang dalawang kondisyon na nabanggit. Ang protein kasama ng ihi ay ang unang palatandaan ng nephropathy.
- Heart Disease at Stroke. Ang mga taong may diabetes ay mataas ang chance na magkaroon ng heart disease at stroke. At mas tataas pa ang tsansang ito kapag ang taong diabetic ay naninigarilyo, may high blood pressure at may history ng heart disease ang pamilya at overweight. Ang heart disease ay napapagaling kapag maagang nalaman at naagapan. Mas mainam na palaging magpunta sa doktor para magpatingin para mabantayan kung meron mang early signs o sintomas ng pagkakaroon ng heart disease ang pasyente. Isa sa binabantayan ng doktor ay ang cholesterol level ng pasyente dahil kapag mataas ang cholesterol nito, kailangan nito magkaroon ng pagbabago sa lifestyle at gamot na iinumin para mapababa ang mataas na cholesterol level.
Importanteng tandaan, ang diabetes kapag pinabayaan at hindi kinontrol ay magdudulot lamang ng mas malalang kasiraan sa kalusugan. Kaya napaka-importante ng pagpapagamot sa lalong madaling panahon. Ang pagpapanatili sa blood sugar sa tamang level ay katumbas ng pag iwas sa anumang maaring komplikasyon sa hinaharap na maaring magbigay sayo ng mas malalang kondisyon.
Para mapanatili sa tamang level ang blood sugar at maiwasan ang insulin resistance at anumang komplikasyong dulot ng diabetes, maari kang uminom ng food supplement tulad ng Dr. Vita Mangosteen o kaya barley juice na pinatamis ng stevia kaya safe para sa mga diabetic.
1 comment
Paano magagamot ang pinamulan ng diabetic ,at may gamot ba pra dito ?thank you ?